PATULOY ANG PAGHINA NI NANAY MONANG PERO MAS PIPILIIN NIYA ANG MAGPAKAMATAY KAYSA MAGING ASWANG
Pati kuwento tungkol sa pagiging aswang niya ay parang hango sa mga kinathang istorya.
“’Wag ka nang magbasa niyan at baka maimpluwensiyahan pa ang utak mo…” ang saway sa akin ni Gabriel.
Kinaubukasan ay pinagkaguluhan ng mga tao sa aming baryo ang bangkay ng dalawang kambing na warak ang leeg at dibdib. Lumutang sa mga bulung-bulungan na kundi raw mabangis na hayop ang may kagagawan niyon ay “malamang na halimaw o aswang.”
Pag-uwi ko sa aming bahay ay mahimbing pa ang tulog si Nanay Monang. Noon ko siya napagmasdang mabuti. Noon ko rin napansin ang bahid ng dugo na natuyo sa sulok ng kanyang bibig. At nakita kong pati na ang bimpong pamunas niya ng sipon o pawis ay namamantsahan din ng dugo. Kumabog ang aking dibdib sa kutob na baka nagsa-aswang kagabi si Inay at naging biktima niya ang mga alagang kambing ng isa na-ming kababaryo.
Ang insidente ng mahiwagang pagkalapa sa dalawang kambing ay hindi naresolba ng mga opisyal ng barangay at ng pulisya. Nanatiling palaisipan na lamang iyon sa aming baryo. Kaya naman sa mga may malilikot na guniguni ay hindi mamatay-matay ang paghihinala na si Inay ang aswang na gumagala sa ha-tinggabi.
“Sino pa nga ba ang makagagawa nang gayon kundi si Monang Aswang lang.”
“Lahing aswang, e…”
“’Pag namatay si Monang, tiyak na isasalin sa anak ang pagiging aswang.”
“Magiging aswang na rin ang Isabelitang ‘yun. Hmp!”
Mas nanaisin ko pang kitlin ang sari-ling buhay kaysa maging isang aswang.
Pahina nang pahina na si Inay. Malaki ang ipinayat niya at lalo pang lumobo ang kanyang mga binti sa pamamanas. (Itutuloy)
ni Rey Atalia