ni Tracy Cabrera
HABANG ang kampo ni People’s Champ Manny Pacquiao at Top Rank Promotions Bob Arum ay naghamon kay Floyd Mayweather para sa mega-match sa su-sunod na taon, may ilang mga tao ang nagsasabing huli na para gawin ang kinasasabikang laban ng mga boxing fans.
”Mas appealing sana ang labang ito seven years ago. Overplayed na ito. Lagi na lang silang nagtatalo at hindi magkasundo sa halos lahat ng bagay at anumang isyung wala namang kuwenta tulad ng kaunting sobra sa timbang,” pahayag ni dating UFC middleweight champion Rich Franklin sa panayam ng Yahoo Philippines.
“Ang buong sport ng boxing ay nakapataw ang mga balikat sa mga heavyweight boxer nito. Ito ang kauna-unahang pagkakaton sa kasaysayan na ang mga tao ay mababanggit ang pangalan ni Manny Pacquiao o Floyd Mayweather na walang ideya kung sino ang heavyweight champion kaya talagang weird ang kapanahunang ito,” dagdag ng UFC champion.
Ayon kay Franklin, na bise presidente rin ng Asian mixed martial arts company na ONE Fighting Champ-ionship, dahil sa sobrang tagal na naghintay ang mga boxing fans, maaaring hind maging maganda ang Pacquiao-Mayweather para sa boxing.
”Sa puntong ito at dahil na rin sa maraming usapan tungkol dito, kapag humantong nga na ang Pacquiao-Mayweather ay maging most epic fight known to man, maaaring maging disappointment ito at maaaring mas lalong masama ito para sa boxing,” aniya.
Ikinatuwiran ni Franklin na siguradong aasa ang mga manonood ng kakaibang laban mula sa dalawang kampeon pero kung maging ave-rage o slightly better-than-average ang laban, magi-ging letdown ito sa lahat dahil nga sa hype sa likod nito.
”Hindi ko alam kung para sa interes ng boxing na ituloy pa ang laban. Financially, maaaring makabubuti sa dalawa na makatanggap ng magandang single payday pero para sa boxing, hindi ko alam,” kanyang konklusyon.