ISINULONG nina Sen. Cynthia Villar at Sen. Nancy Binay ang pagtataas sa P30 million legal assistance fund ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa overseas Filipino workers.
Ayon sa dalawang senador, dapat ipako sa P100 million ang alokasyon dahil patuloy na tumataas ang bilang ng OFWs na nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa.
Binusisi rin ni Villar ang DFA kung ilang kaso ng mga OFW na ang naipanalo.
Nakababahala aniya na kung maliit ang pondo para sa legal assistance, posibleng hindi makakuha ng magagaling na mga abogado ang DFA kaya marami sa mga OFW ang natatalo sa kaso.
Para kay Binay, unfair na P30 milyon lamang ang ilaan sa legal assistance sa OFW gayong malaki ang naiambag nila sa ekonomiya ng bansa.
Base sa talaan ng DFA noong Hunyo 2014, aabot sa mahigit 6,000 OFWs ang nakakulong sa iba’t ibang bansa dahil sa krimen.
Cynthia Martin