Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, malulungkot ‘pag nabuwag ang loveteam kay Daniel

ni Roldan Castro

112714 Kathniel

HINDI mapasusubalian na namamayagpag ngayon ang love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kaya binigyan sila ng parangal noong Linggo sa PMPC Star Awards for TV bilang German Moreno’s Power Tandem.

Ayon kay Kathryn, ready naman siya ‘pag dumating ang time na mabubuwag sila. Ang mahalaga ngayon ay ini-enjoy nila ang pagsasama at nabibigyan ng kaligayahan ang fans.

“Wala naman yatang love team na forever kaya kahit ayaw mo na maka-love team na iba o kaya ay hindi ka sanay, eh part talaga ‘yon,” bulalas ni Kath.

Kahit ayaw nilang maghiwalay, hindi naman puwede. Dumarating talaga ‘yung pagkakataon na magsosolo sila at ipa-partner din sa iba.

“Ayaw muna naming isipin kasi nakalulungkot na kasama for almost three years tapos iba bigla ‘yung kasama mo. Ayaw ko namang maging selfish sa kanya, pwede rin siyang i-love team sa iba pero iba lang talaga na comfortable na kayo sa isa’t isa,” dagdag pa ni Kathryn sa isang panayam.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo nagpakilig sa kaarawan ng asawang si Maine 

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN at punompuno ng pagmamahal ang birthday message ni Quezon City District …

Kip Oebanda Odette Khan

Veteran actress Odette Khan bumubuti na ang kalagayan

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY ng update ang writer-director ng Bar Boys na si Kip Oebanda sa kalusugan ng veteran …

Dr Michael Raymond Apacible Aragon Salome Salvi Tiyo Bri

Adult content creater Salome Salvi idinemanda ng KSMBPI 

I-FLEXni Jun Nardo NAKU, sinampahan na ng reklamo ang sexy actress turned adult content creator …

Bong Suntay Anne Curtis

Bong Suntay kinondena ng AKTOR sa pambabastos kay Anne Curtis 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KINONDENA at hindi pimalampas ng League of Filipino Actors (AKTOR) ang pambabastos ni …

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …