ni Pilar Mateo
I wanna hold your hand!
Ang isang tiyak na magaganap sa December 8, 2014 eh, ang pag-iisang dibdib nina Liza Diñoat Aiza Seguerra sa Amerika.
Kinikilig na nga ang mga taong malapit sa kanila sa mga isine-share nila sa FB sa mga nagaganap ngayon sa kanilang paghahanda as the big day nears.
Ayon kay Liza, may 2nd wedding din na magaganap dito sa ‘Pinas na pamilya at malalapit din nilang mga kaibigan ang sasaksi.
In the meantime, maligaya rin si Liza sa suporta ng Pinoy communities in the US sa pagpapalabas ng pinagbidahan niyang pelikulang In Nomine Matris. Sold out na ang tickets nito sa nalalapit na pagtatanghal in Glendale, California, USA.
Hands on ang dalawa sa preparations sa kasal habang on the side, sige rin si Liza sa mommy duties niya sa anak who’s in grade one na at matataas ang grado sa kanyang school.
Nai-share nila ang video ng kanilang pre-nup shoot sa FB.
Looks like it really is a match made in heaven!
Love, baby, and marriage!