ni AMBET NABUS
TAKE the case of John Pratts na matagal na sa industriya and yet ay masasabi nating hindi naman talaga umabot sa rurok ng pagiging “major star.”
Balitang very soon ay lilipat na rin ito ng network at umaasa nga raw ito na kahit paano ay may kaunting ‘sunshine’ kumbaga na mahi-hit ang actor-dancer sa lilipatan niyang network.
Isa man siya sa mga regular nating napapanood sa Kapamilya Network shows, but then again, the term, “regular” applies.
Marami pang kagaya ni John na nag-re-reinvent na ng kanilang mga karir lalo pa’t papasukin na rin nila ang bagong mga karir sa personal nilang buhay and that is to having ‘family.’
Kamakailan nga ay nagbalik-network na si Iya Villania, habang lumipat na rin si Empress Shuck at naki-join kina Christian Bautista at Mark Bautista at Rachel Ann Go na ngayo’y mga internationally-renowned artists na sa West End.
Pero may transferees din na nasa ABS-CBN na gaya nina JC de Vera na muling uminit ang karir, Nadine Samonte, Edgar Allan Guzman, at pati na sina Polo Ravales at Jennica Garcia. At ang pinaka-latest ay si Isabelle Daza.