Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hapee magsasakripisyo — Roque  

081114 PBA D League

MULING kukulangin ng manlalaro ang Hapee Toothpaste sa labanan nito kontra Cebuana Lhuillier mamaya sa PBA D League Aspirants Cup na gagawin sa Technological University of the Philippines Gym sa P. Casal, Manila.

Hindi lalaro ang ilang mga Fresh Fighters na taga-San Beda College tulad nina Art de la Cruz, Baser Amer at Ola Adeogun dahil nasa Ynares Sports Arena sa Pasig para maglaro sa Red Lions sa Game 1 ng finals ng Philippine Collegiate Champions League mamaya rin kontra De La Salle University.

“Hapee will have to sacrifice playing with a depleted lineup. PCCL is the first priority for the San Beda players,” wika ni Red Lions team manager Jude Roque.

Ilang beses ding naglalagare ang mga manlalaro ng kani-kanilang mga paaralan sa PCCL at sa PBA D League tulad nina Glenn Khobuntin at Troy Rosario ng National University at Mac Belo at Mike Tolomia ng Far Eastern University.

Lalaro na si Rosario para sa Hapee mamaya kasama sina Ray Parks, Kirk Long, Garvo Lanete at Arnold Van Opstal.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …