Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gimme 5, may kanya-kanyang tipo ng tsiks

ni Roldan Castro

112714 gimme 5

HINDI na talaga maawat ang pagsikat ni Nash Aguas. Kapapalabas pa lang ng pinagbibidahan niyang serye na Bagito, ini-launched naman ang album ng Gimme 5 na siya ang lider kasama sina Joaquin Reyes, John Bermundo, Brace Arquiza, at Grae Fernandez.

Hatid Sundo ang titulo ng kanilang carrier single. Nakapaloob din sa album ang kantang Aking Prinsesa, pero wala silang matukoy kung sino ang kanilang prinsesa at kanino nila iaalay ang awiting ‘yun.

Pero bukod kay Alexa Ilacad, si Georgina Wilson ang crush ni Nash. Si Grae ay si Kim Chiu dahil mahilig siya sa chinita. Si Joaquin ay si Julia Barretto, si John ay si Ella Cruz, at si Brace ay si Liza Soberano.

Binuo ni Mr. M (Johnny Manahan), head ng Star Magic ang Gimme 5 bilang grupo ng mga binatilyo sa A.S.A.P. 19. Parang Kanto Boys lang sa ASAP at hindi nila akalain na mauuwi ito sa pagkakaroon ng isang album under Star Records.

Ayon kay Nash, nag-voice lessons sila bago gawin ang album. Nag-improve raw ang boses niya dahil noong bata pa siya ay parang pinupunit na maong ang boses niya.

Nang tanungin ang Gimme5 kung ano ang masasabi ng bawat isa sa ugali nila, panalo ang anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae sa kakulitan at parang naglalaro lang. Si John naman daw ang pinakamabait at hindi marunong magsinungaling. Si Joaquin ay chill lang at malambing, si Brace ay sobrang mahilig sa babae at chickboy.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …