MAKIKIPAGTULUNGAN ang Philippines’ leading airline, Cebu Pacific Air (PSE:CEB), sa Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) para mahuli ang mga manggogoyo na umaakto bilang official sales agents ng Cebu Pacific at nagsasagawa ng pekeng transaksyon sa airline sa pamamagitan ng Facebook.
Isumite ng CEB ang mga pangalan, IP addresses at transaction details ng lahat ng reported fraudsters sa Philippine National Police para sa agarang aksyon, gayondin sa Facebook para sa agarang account termination.
Ginagamit ng fraudulent pages ang Cebu Pacific branding upang umaktong official transactions page para sa airline.
Humihingi rin ang mga manggogoyo ng bayad sa pamamagitan ng pag-remit sa specific individuals, at hindi sa Cebu Pacific.
Kapag nahuli at napatunayan sa paglabag sa Cybercrime Law (Republic Act No. 10175), ang mga manggogoyo ay maaaring makulong ng hanggang 12 taon at pagmumultahin ng P200,000.
Ang mga manggogoyo ay maaari rin panagutin sa iba pang paglabag sa iba pang penal laws.
“We encourage the travelling public to book their flights through the official Cebu Pacific Air website or reservation hotlines, and to transact with legitimate sales agents to prevent fraud and inconvenience. We are working closely with the PNP Anti-Cybercrime Group to protect our passengers from fraudsters whether online or in other channels,” pahayag ni Atty. Jorenz Tanada, Cebu Pacific Air, VP – Corporate Affairs.
Ang mga nais mag-report kaugnay sa mga manggogoyo ay maaaring tumawag sa PNP Anti-Cybercrime hotline: +6327230401 local 5313; or file a complaint via email: [email protected] or through their website: http://pnpacg.ph/
Para sa flight bookings and information sa CEB, maaaring bumisita www.cebupacificair.com o tumawag sa +(632)7020888 or +(6332)2308888.
Ang CEB’s authorized payment channels and instructions kung paano magbabayad para sa booking transactions ay makikita sa Cebu Pacific website: http://bit.ly/CEBPaymentChannels
GMG