Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara at Patrick, Amanda ang ipapangalan sa anak

ni Pilar Mateo

112714 ara mina friends

Worthy to be loved!

‘Yun ang lumabas na definition ng Italian name na Amanda nang i-Google ko ito. Na siya namang ipapangalan ng live-in partners na sina Ara Mina at Bulacan, Bulacan Mayor na si Patrick Meneses sa kanilang magiging panganay!

Dumalo kami sa baby shower kay Ara ng malalapit na kaibigan which included Patricia Javier, Jan Marini, Gretchen Fulido and Jamie Rivera from the celluloid world na ginanap sa The Farm sa BGC (Bonifacio Global City).

Sa games nga sa nasabing baby shower, may guessing game pa kung kailan isisilang ang una lang sa pangarap ni Mayor na limang supling niya kay Ara.

“Hangga’t maari Tita Pi, mas gusto ko na maging normal ang delivery ng baby. Kaya, roon pa lang natin malalaman kung sino ang win sa hulaan ng date. Pero ang dami niyo nagsabing December 8.”

Birthday kasi ‘yun ni Mama Mary!

Samantala, wala pang linaw kung kailan naman sila lalagay sa tahimik ng kanyang live-in partner. Lalo pa’t masigasig ang nakababata niyang kapatid na si Cristine na gaya niyang on the family way sa pagsasabing handa na siyang maging domestikada sa piling naman ng boyfriend na mixed martial arts champion na si Ali Khatibi.

Hindi naman sila pwedeng sukob. Lalo pa’t avid believer ng feng shui si Ara.

Walang nagtanong at kumalkal sa camera shy na si Mayor sa isyung ibinabato rito at sa pamilya niya hinggil sa isang insidenteng inirereklamo laban sa kanila.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …