UMABOT sa 50 uod ang inalis ng isang doktor mula sa ilong ng isang lalaki sa India. (ORANGE QUIRKY NEWS)
NAGING viral sa internet ang video ng isang lalaki habang inaalisan ng doktor ng buhay na mga uod mula sa kanyang ilong sa India.
Ito ay kasunod ng vi-deo ng isang Indian national habang inaalisan ng mga uod mula sa kanyang te-nga, ngunit ito ay higit na nakapandidiri.
Halos 300,000 katao na ang nakapanood ng clip ng isinagawang endoscopic procedure ni Dr. Meenesh Juvekar, ENT consultant ng Bombay Hospital sa Mumbai.
Ang kondisyon ay tinatawag na myiasis, parasi-tic infection ng fly larva, na karaniwang nagaganap sa tropical at subtropical climates.
Ang mga langaw ay nangingitlog sa hindi gu-magaling na sugat, at kapag napisa ang mga itlog, kakainin ng mga uod ang tissue.
Ayon sa Daily Mail, ang pasyente sa kasong ito ay isang 55-anyos lalaki na ina-lisan ng 50 uod mula sa kanyang sinuses sa isinagawang dalawang oras na operasyon.
Siya ay sinasabing gumaling na sa nasabing impeksiyon.
(ORANGE QUIRKY NEWS)