TULUYANG tinalikuran ni Rabeh Al-Hussaini ang kanyang paglalaro sa PBA upang manirahan sa Kuwait.
Tubong-Kuwait kasi ang ama ni Al-Hussaini at mayaman ang kanyang pamilya kaya nagdesisyon siyang huwag nang bumalik sa Pilipinas kahit nagbanta ang kanyang huling koponang Meralco na ihahabla siya sa korte sa kasong breach of contract.
May kontrata pa si Al-Hussaini sa Bolts bago siya umalis.
Ayon sa ulat ng www.slamonline.ph, naglalaro na si Al-Hussaini sa Al Qadsia ng Kuwaiti Division 1 Basketball League.
Dating manlalaro ng Ateneo si Al-Hussaini at naging MVP siya ng UAAP bago siya umakyat sa PBA kung saan naging Rookie of the Year siya noong 2011 nang naglaro siya sa Air21 at Petron.
Naglaro rin siya para sa Globalport at Powerade.
(James Ty III)