ni Timmy Basil
NAGBABALIK sa MMFF ang Shake, Rattle and Roll and this time, pang-15 year na nila, hindi nga lang tuloy-tuloy dahil there was a time na nag-focus ang Regal Films sa Mano Po episodes.
Sa SRR, kahit hindi ko pa nakita kahit trailer o poster ng horror film na ito, tiyak na ang pinakamagandang episode ay ang kay Erich Gonzales, ang Ahas episode na base sa isang urban legend na may isang ahas na nagtatago sa isang mall at nambibiktima ng mga magagandang babae.
Excited na akong makita ang akting ni Erich dito pero siyempre pa, naririyan din ang episodes nina Lovi Poe, ang Flight 666 at ang kay Carla Abellana na Ulam.
Baka manggugulat na naman si Erich dito dahil ‘di ba, lately ay nanggugulat si Erich sa teleserye niyang Two Wives na buong ningning siyang nakipagtagisan ng dialogue with Kaye Abad?
Not a single scene or dialogue na nagpatalbog si Erich kay Kaye. Talagang lumalaban si Erich sa aktingan.
Ganito palagi ang inaasahan ng viewers sa kanilang dalawa gabi-gabi, sana hindi matuyuan ang mga writer sa pag-isip ng kung
ano-ano pang dialogue ang ipasaulo sa dalawa.
Teleserye, may gulat factor
Sa totoo lang, bawat labas ni Erich sa teleserye ay palagi siyang may dalang gulat factor—yes, palagi siyang nanggugulat.
Una tayong ginulat ni Erich sa teleseryeng Katorse, inosenteng-inosente siya roon, and then sa Maria Mercedes na naiiba naman ang role niya at rito nga sa Two Wives, super level up na ang akting ni Erich.
Sa tingin ko, panahon ngayon ni Erich—mapa-telebisyon o pelikula at sana ma-handle niya ang kanyang kasikatan ng tama at siyempre pa, ma-handle rin niya ng tama ang kanyang kadatungan.