Friday , November 22 2024

5 regions niraket ni Alias Jimmy Gunban!

00 rex target logoMAY karapatang mag-alboroto at magalit si Customs Deputy Commissioner Jesse Dellosa sa isang alias JIMMY GUNBAN. Biruin n’yo ba namang suyurin ni GUNBAN ang limang rehiyon sa ilalim ng Bureau of Customs (BOC) para sa pera-pera operations gamit ang pekeng Mission Order (MO) mula sa BOC Intelligence Group.

Ang modus operandi ng grupo ni Gunban ay manakot ng mga may-ari ng warehouses sa area ng NCR, Regions 2, 3, 4A at 4B bitbit ang huwad na mission order.

Bibigyan ng notice ang mga may-ari ng warehouses na kunwari ay sasalakayin o iinspeksyonin ngunit ang tunay na layon ay bakalan o kotongan ang mga nagmamay-ari ng warehouses.

Para huwag nang maabala at mabulabog ang mga kawawang negosyante, nagbibigay na lamang ng pera ang mga target sa grupo ni Gunban.

Kahit pa nga, legal lahat ang mga dokumento ng mga kargamentong nakaimbak sa nasabing mga warehouses ay nagagawan ng paraan ni Gunban para palabasing smuggled items.

May ilang warehouses na ang dinale ng grupo ni Gunban ngunit pinera lamang lahat.

Kunwari ay magpapakita ng huling kargamento ngunit sa totoo lang, maliit na porsiyento lamang sa kabuuang huli na ipinipresinta sa media.

Pinababayaran ng grupo ni Gunban ang mga hinuling kargamento at tinatarahan ng monthly payola.

Sa lawak ng hurisdiksyong sinagasaan ni Gunban, naamoy sa main office ng BOC-IG ang katarantadohan nito sa pamamagitan nina Col. Alcudia at Capt. Cabading.

Gumawa rin ng milagro si Gunban nang kanyang ialarma ang umano’y mga kontrabandong droga ng pamosong si DAVID TAN ngunit nang rekisahin ng tanggapan ni Gen. Dellosa ang mga nasabing kargamento ay negatibo naman.

Bukod sa salot na grupo ni Gunban, na-monitor din ang pangongolekta ng payola ni JARVIE INCHES para sa tanggapan ng Intelligence Group (IG).

Marami pang nagsulputang bagmen na nagpapakilalaang mga tauhan ni Gen. Dellosa ngunit lahat ay napatunayang mga impostor at yaong mga opisyal na sabit ay isa-isang itinapon sa CPRO ng Department of Finance on a floating status.

Nang tuluyang mabukayo ang pilipit na diskarte ni Gunban, nag-umpisa nang magpanic at magpalabas ng ‘white paper’ umano para siraan si Gen. Dellosa at mga tauhan nitong sina Col. Alcudia, Capt. Cabading, Troy Tan at Oca Tibayan.

Ombudsman at Malacañang ang target ni Gunban para sa pagsasabog ng mapanirang impormasyon laban sa IG at sa mga tauhan ni Gen. Dellosa.

Bagamat nalinis na ni Capt. Cabading ang kanyang pangalan laban sa lahat ng maling akusasyon laban dito, nais nitong mahuli sa akto ang grupo ni Gunban upang makasuhan ng kriminal at tuluyang masibak sa BoC.

Nananawagan ang BOC-IG sa sino mang importers o brokers na kinotongan ni Gunban at ng mga kasapakat na lumantad na at magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga dorobo.

May kasunod…abangan!

Sino si Victor ‘Bigtime’ bagman at ang VK/lotteng sa Rizal

TILA hindi maganda sa tenga ni Rizal Police Director, Col. Bernabe Balba ang umaga ngayong araw na ito dahil tutumbukin natin sa isyung ito ang lotteng operation sa nasabing lalawigan.

Kilalanin din natin ang isang astig na mama na may alyas VICTOR na umano’y regular na umiikot sa isang bayan diyan sa Rizal at bitbit ang pangalan ng isang bagong upong alkalde.

Hindi pa raw nag-iinit ang puwet ng bagitong mayor ay agad nang nagtalaga ng kanyang personal bagman sa katauhan nga ng kapalmuks na si VICTOR BIGTIME.

Isa namang nagngangalang LOLOY ang nagsisilbing tagabigay ng intelihensiya (INT) kay VICTOR BIGTIME para kay Mayor.

Bukod sa operasyon ng lotteng at jueteng cum STL, sandamakmak din umano sa nasabing lugar ang video karera machines (VK) na sadyang salot na naturingan sa mga kabataan ng lalawigan.

Meron din pong bold shows sa mga panggabing bahay aliwan Colonel Barba sir.

Kung kulang pa ang mga balon ng intelihensiyang naturan natin, pati umano illegal terminal ng mga pampublikong sasakyan ay palabigasan na rin nitong si VICTOR BIGTIME at ng mga timawang pulis mula diyan sa Hilltop.

Diyan daw po ‘yan sa Parola Junction, Sta. Lucia at Roblu. Isang ex-barangay official sulit na sulit daw po at si JOJO ang pasimuno ng nasabing terminal.

Pati ang illegal quarrying na gamit ang mga improvised explosive devices ay may ‘tara’ na rin sa collection lingguhan!

What’s going on Colonel Barba and Mayor sir?

Yaong mga salot namang makina ng video karera ay sina ALEJO, AQUINO at JUNIE po umano Colonel Balba sir ang mga maintainers sa Cainta, sa Antipolo namamayagpag ang video karera ( VK ) nina Jourge,Brigete at Rudy, kay Riko naman sa Pillia at Morong Rizal.

‘Yung jueteng naman daw diyan sa Rizal Colonel Balba sir ay nag-o-operate sa likod ng legal na STL operations na panis na pong modus operandi at ‘palusot’ ng mga kolokoy na gambling lords

Pero paano naman ang operasyon ng jueteng na nagkukubli sa anino ng legal na Bingo Milyonaryo? Hindi rin ba batid ito ng PD ng Rizal.

Again, for the information of Col. Balba, sina BONG, PEPING at alyas PINKY ang mga hinayupak at pasimuno ng pa-jueteng sa kanyang AOR.

Nasa pangalan umano ng isa pang hinayupak na si BOY KUPAL Camacho ang prankisa na Bingo Milyonaryo na ginagawang front ng jueteng operations nina Bong, Peping at Pinky. Lotteng nina tata Rudy Sola. at ang pergalan ni Arnold sa pagrai at langhaya covered court sa Antipolo city.

Pero inutil na masasabi ang pulisya dahil sa ‘on take’ on a regular or shall we say weekly basis alam ni kuyang ‘PILI.’

Going back sa bagman na si VICTOR BIGTIME , matigas daw na bilin ni MAYOR na walang sisinuhin sa pangongolekta ng ‘grasya.’

Lahat daw ay dapat mabigay!

Malaki rin kaya ang pangangailangan ng mga pulis diyan sa Hilltop, Col. Balba sir!?

Kasi po, dito sa Metro Manila, ‘no take’ policy na po ang ipinaiiral ni General Carmelo Valmoria sir!

May kasunod…‘wag bibitaw!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *