Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 OFW patay sa car crash sa Canada

112714 canada accident07BINAWIAN ng buhay ang apat overseas Filipino worker sa vehicular accident sa Alberta, Canada.

Papunta sanang Kingman sina Archie Bermillo, Romil Mose, Rosalinda Tipdas at Eva Janet Caperina nang dumulas ang sasakyan nila sa bahagi ng kalsada na balot ng snow dahilan para makabanggaan nila ang isang tractor.

Agad nalagutan ng hininga ang mga biktima sa insidente.

Empleyado ng isang kilalang burger joint sina Bermillo at Mose habang parehong nagtatrabaho bilang yaya sina Tipdas at Caperina.

Biyuda na si Caperina na namatayan ng asawa sa isang motorcycle accident noong nakaraang taon.

Nag-umpisa nang maglikom ng pondo ang mga kaibigan ng mga namatay para maiuwi sa Filipinas ang bangkay ng mga biktima.

Nakipagkasundo na ang Office of the Honorary Consul sa Edmonton sa employer ng mga biktima para sa agarang repatriation ng kanilang mga labi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …