INIUTOS ng Korte Suprema na tanggalin at ilipat ang oil depot na kaslaukuyang nasa Pandacan, Maynila.
Sa botong 10-2, bumoto ang mga mahistrado ng Kataastaasang Hukuman para ideklarang labag sa Saligang Batas at Manila City Ordinance No. 8187 na nagbibigay-pahintulot sa pagtatayo ng oil depot sa Pandacan.
Inutusan din ng Korte Suprema si Manila Mayor Joseph Estrada na tingnan ang isasagawang relokasyon ng oil depot.
Kabilang sa mga oil terminal sa Pandacan ang Chevron Philippines Inc., Pilipinas Shell Petroleum Corp, at Petron Corp.
Sa kautusan ng Korte Suprema, kailangan maisagawa ang relokasyon nang hindi tatagal sa anim na buwan.
Imo-monitor din ng presiding judge ng Supreme Court ang pagpapatupad ng kautusan.
Sa huli, sinabi ng Korte Suprema na mapanganib para sa mga residente ng Maynila ang pananatili ng oil depot sa Pandacan.
Sa pahayag na inilabas ng Shell, sinabing hindi pa nila natatanggap ang resolusyon ng Kataastaasang Hukuman.
Gayon man, siniguro nitong susundin ano man ang itinatadhana ng batas.