Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Masbateño tinarakan ng batang Samar

 

090814 knife

KRITIKAL ang kalagayan ng isang Masbateño makaraan saksakin ng nakainomang batang Samar nang magtalo sa hindi nabatid na dahilan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Merolo Francisco, 42, at residente ng Vanguard St., Brgy.178, Camarin ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang agad naaresto ang suspek na si Ricardo Adora, 57, karpintero, ng Pili St. ng nasabing barangay, nahaharap sa kasong frustrated murder.

Batay sa ulat ni PO2 Rio Velez, dakong 7:20 p.m. habang nag-iinoman ang dalawa nang bigla silang magtalo.

Sa puntong ito, bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek ngunit naaresto sa follow-up operation ng mga pulis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa San Rafael, Bulacan
Top 4 provincial level most wanted rapist timbog

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of …

Chopper bumagsak sa Pililla Rizal

Chopper bumagsak sa Pilillia, Rizal; 1 patay, 4 sugatan

DEAD on the spot ang isang indibiwal habang sugatan ang apat na iba pa matapos …

Tondo Riot

Sangkot sa riot sa Tondo, 9 kabataan dinampot

NASAKOTE ng mga awtoridad ang siyam na menor de edad at isang 18-anyos suspek, matapos …

Dead Road Accident

Lady rider patay sa trailer truck

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang …

cal 38 revolver gun

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na …