Thursday , December 26 2024

Chinese ‘prosti’ girls back to Emperor Int’l KTV Club sa Remedios Malate

00 Bulabugin jerry yap jsyKAYA naman pala parang may piyesta na naman d’yan sa Remedios St., Malate, Maynila…

‘E back to Emperor International KTV Club ‘yung mga Chinese ‘pokpok’ girls.

This time, iba na ang sistema. Kunwari, mga customer na rin ‘yung mga illegal Chinese girls.

Tsk tsk tsk …

Ibang klase talaga, kung sino man ang timbrador o kung sino man ang may alaga ng club na ito.

Mantakin ninyong katatapos lang i-raid ng National Bureau of Investigation (NBI) hayan at balik na naman sa kanilang operation ang Empe-ror International KTV Club.

Kaya raw panay ang yabang ng lason ‘este’ liaison officer ng Emperor club na si alias RUDIE NGO-NGO na walang pwedeng pumasok sa club nila dahil timbrado na sila sa “lahat!”

Matutulad rin kaya ‘yan sa Miss Universal na matapos ipasara ni VP Jejomar Binay dahil nahulihan ng mga menor de edad ay nagpabalik-balik lang ang operation?!

Paging DOJ-IACAT! Paging CIDG! Paging NBI!

Ano ba talaga ang nangyayari sa mga nire-raid ninyong KTV bar?!

Bakit muling nabubuksan?

Operation pakilala lang ba ‘yang mga raid na ginagawa ninyo?!

Pakisagot na nga po!

BI number 1 fixer (Betty Chuwawa) strikes again! (Paging: SoJ Leila de Lima)

LUMUTANG na naman ang pigura nitong si Betty Chuwawa, ang dakilang fixer sa Bureau of Immigration (BI) main office sa nakaraang operation sa mga undocumented Chinese national na isinagawa ng Bureau of Immigration – Intelligence Division sa isang warehouse diyan sa Marilao, Bulacan.

Talagang hindi raw tinantanan nitong walanghiyang si Betty Chuwawa ang mga taong dapat kalampagin hangga’t hindi napapalabas ang kanyang mga pinapadrinohang kliyente.

Anim na undocumented na Intsik ang na-arbor ni Betty Chuwawa kaya tiba-tiba na naman siya at bukol-bukol naman ang mga operatiba ng BI.

Maraming BI employees ang nakasaksi at nagtataka kung bakit pinapayagan daw ang ganitong aktibidades ng matandang bruhilda sa bureau!

Aba, noong administrasyon ni Commissioner David Dayunior ay nag-lie low ‘yang si Betty Chuwawa.

‘E bakit ngayon garapalan na naman ang kanyang fixing activities!?

Hindi ba’t marami nang nabigyan ng ban order sa Bureau? Ano bang meron si Chuwawa at nananatiling untouchable? Ano bang silbi ng watchdogs (ISAFP) ni BI Commissioner Mison at hindi man lang magawan ng report ang illegal activities ni Chuwawa gayong kitang-kita na labas-pasok siya at tila ‘yellow pizza queen’ sa iba’t ibang opisina diyan sa Bureau?!

Sabi ng isang Immigration officer sa main office: “Ikaw ba naman ang laging lunch date ng isang mataas na opisyal ng Bureau, natural lang na pangingilagan ka ng kahit sino diyan!?”

Mukhang lagi namang dedma ang mga opis-yal diyan sa BI Main office pagdating sa raket ni Chuwawa, bakit hindi na lang si SOJ Leila Delima ang ating kalampagin at baka sakaling tayo ay pakinggan!

Madam SOJ De Lima, pakiimbestigahan n’yo nga po ‘yang matandang ‘yan na lagi na lang pumapadrino sa mga hinuhuling Intsik dito sa buong Filipinas!!!

Ang ‘Bungal’ na Freedom of Information (FOI) Bill

UMANGAL ang isa sa author ng Freedom of Information Bill (FOI) Bill na si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares dahil nagmukhang ‘BUNGAL’ ang orihinal na draft ng nasabing panukala.

Ang FOI ay naglalayong suhayan ang integridad at transparency ng isang pamahalaan lalo na kung nagsasabi ang isang administrasyon na tuwid ang kanilang daan.

Pero sa realidad ‘e maraming pinagtatakpan.

Ayon mismo kay Rep. Colmenares, ultimo ‘yung pagkuha lang ng statement of asset, liabilities and net worth (SALN) ay mukhang hindi na-bigyan ng importansiya sa FOI.

Marami umanong tinanggal na provisions sa orihinal na FOI pabor sa public officials.

Anila, gusto nilang maging bukas ang SALN ng public officials sa publiko pero gusto ng committee na panatilihin ang mga restriksiyon at limitasyon.

Malinaw ang pahayag ni Rep. Colmenares, “Ano ba ang ikinatatakot ng Aquino administration sa isang tunay na FOI bill? Ang hinihingi lang ng taong bayan ay mapadali ang access sa impormasyon lalo na sa SALN ng mga politiko. Pero sa bersyong ito ng FOI ay lalo pang papahirapan, itaga man sa bato. Marahil ayaw ng mga nasa poder ngayon na mailantad ang mga katiwalian nila kaya pinahihirapan na ang pagkuha ng impormasyon ngayon.”

Matindi nga naman ang ipinaglaban nila noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroy0 lalo na sa kainitan ng NBN-ZTE deal tapos ngayon bigla na lamang mapupurol ang FOI?

Aba ‘e mabuti pang huwag nang ipasa ‘yan kung papabor lang ‘yan sa administrasyon!

Ano sa palagay ninyo, Rep. Colmenares?!

Kung nakamamatay lang ang ‘mura’

PUTANG INA nagsasawa na ako magmura sa mga putang inang mga pinuno ng gobyerno natin. Anak ng puta npkawalanghiya at hayup nila. Ang kakapal ng mga pagmumuka grabe sa sobrang kapal kahit araw araw maya’t maya kong murahin hindi talaga tatalab sa kanila. Pwera na lang kung nakakamatay ang MURA! Baka matakot pa. Habang ang mga kababayan nila e dumaranas ng matinding kahirapan, kamalasan sa bagyo at lindol habang nagugutom, nagkakasakit at nangangamatay wala talaga silang pakialam o konsensya. Parang walang kinikilalang Diyos ang mga demonyo sa gobyerno. Tapos sila nagmula sa mahirap daw o katamtaman ang buhay ay milyonaryo at bilyonaryo? Gaya nitong dalawang bagong nabunyag na yaman nina Binay at Purisima, grabe ang yaman at mga ari-arian nila, ektaryang lupain ang pinag-uusapan dito hindi square meter lang. Ang mga bahay o mansion at sasakyan puro luxury my bullet proof pa. Saan galing ang yaman nila sa sahod nila? Juan po. +639094818 – – – –

Padyak boy humihingi ng tulong para sa pag-aaral ng anak

GOOD am po sir Jerry, hingi po sana ko tulong kung saan po makahingi para po sa pag-aaral ng anak ko graduating n po sya ngayon kaso wala n po ako malapitan kasi baon na rin ako sa utang, para po sana sa tuition ng anak ko ngayong 2nd sem. Sayang po kung hindi sya makatapos isang sem n lng dati po sya student assistant. Mula first year kaso natanggal po sya kasi malayo po ang paggawa nila ng mga docu. Kaklase po nya ang anak ni NPC President Joel Egco. Sa Letran po sya nag-aaral, isa lng po ako kuliglig driver dyan ko po sla pinalaki sa hanapbuhay ko mula po sa padyak pa salamat po umaasa. +639104151419

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *