MATAPOS mamayagpag sa ere sa mahabang panahon, magtatapos na ngayong Friday ang Be Careful With My Heart na kinagiliwan ng maraming suki ng Kapamilya Network tuwing tanghalian. Ang naturanag TV series na tinatampukan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ay nagsimulang umere noong July 9, 2012. Kaya inabot ito ng higit dalawang taon sa ere.
Sabay-sabay na masasaksihan ng Kapamilya viewers sa buong mundo ang finale ng top-rating feel-good habit ng bayan dahil ngayong Biyernes Nobyembre 28, magkakapit-bisig ang lahat ng Pilipino para sa “Global Kapit-Bisig Day” na sabay ipalalabas ang “happy ever after” ng love story nina Maya at Ser Chief sa ABS-CBN at The Filipino Channel (TFC) website na www.TFC.tv.
Bukod sa telebisyon, mapapanood din ang Be Careful With My Heart finale sa Internet sa pamamagitan ng Becareful.ABS-CBN.com at iWanTV.com.ph. Sa huling linggo ng programang minamahal ng lahat, ano pang mga pangyayari at pagsubok ang magkasamang haharapin nina Ser Chief at Maya sa pagkamit nila ng kanilang “happy ever after?”
Huwag palampasin ang “moments of love and happiness” sa huling linggo ng Be Careful With My Heart, 11:30AM, bago ang It’s Showtime sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter, at i-”like” ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.
ni Nonie V. Nicasio