Sunday , November 17 2024

Ate Vi at Angel, magsasama raw sa Darna!

070214 luis angel vilma family

00 SHOWBIZ ms mPAYAG makasama ni Gov. Vilma Santos si Angel Locsin sa pelikula. Okey din daw sa kanya kung ire-request ni Angel na makasama siya sa Darna movie na gagawin ng aktres.

Subalit iginiit ni Ate Vi na hindi na siya naka-Darna costume. “Pero hindi naka-Darna (costume), ha! Utang na loob, ha. Excuse me!,” anito sa presscon na ipinatawag ni Mother Lily Monteverde sa kanyang Events Place sa Valencia, San Juan para sa birthday ng Star For All Season at sa launching ng Ala Eh! Festival.

Kinompirma na kasi ni Angel na gagawin niya next year ang Darna movie under Erik Matti. Tiniyak din naman ni Ate Vi na magsasama sila ni Angel sa isang heavy drama movie.

Samantala, pitong taon nang ginagawa ni Ate Vi ang Ala Eh! Festival na magsisimula sa Disyembe 1 hanggang 8. Pero ngayong taon, magkatuwang sila ni Mother Lily sa magaganap na festival. Kaya naman tiyak na mas makulay, maningning, at hindi makalilimutan ang mga activity na matutunghaayan ng makikibahagi sa festival na ito.

Sisimulan ito sa pamamagitan ng isang Fun Run @ 5:00 a.m. na susundan ng pagbubukas ng Trade Fair, Agri Fair, at Photo Exhibit. Mayroon ding Street Party ng 4:00 p.m. at gagawin sa Marcela Agoncillo Street sa Taal. Idadaos din ang Mutya ng Taal at Taaleno Ang Galing Mo! na gaganapin naman sa Dec. 2-3.

At ang pinakamalaking event sa festival ay ang Mutya ng Batangas Pageant na ang coronation night ay gaganapin sa Dec. 5, 7:00 p.m. sa Taal Plaza kasabay ang grand finals ng star-studded Voices, Songs and Rhythms sa Dec. 7, 7:00 p.m.. At ang culmination ng week-long event ay gaganapin sa Dec. 8 na sisimulan ng isang Eucharistic Celebration sa Basilica ni St. martin de Tour ng 7:00 a.m. na susundan ng Street Dance at Float Parade patungo sa Taal Park.

Sa kabilang banda, malaki naman ang pasasalamat ni Ate Vi Kay Mother Lily sa pakikiisa nito sa Ala Eh! Festival, “Mother Lily will always be a dear friend. Hindi ko na kailangang magsabi pa sa kanya kung ano ang puwede niyang maitulong sa Batnagas. Itong investment niya sa Taa; at tulong sa ilang Batanggenyo ay malaking bagay na hindi lagn sa akin kundi sa Batangas na rin.

“Kaya I am very thankful dahil sa darating na Ala Eh! Festial, she’s there to give her 101 percent support upang maging lalong masay aito at dayuhin ng mga tao,” sambit pa ni Ate. Vi.

Dahil sa naturang investment ni Mother Lily sa Taal, tinawag na ni Gov. Vi si Mother bilang certified Taaleno. “I am proud to the be mother of the ‘Mother of Batangas’. I’ve always considered Gov. Vi as my daughter, my precious Regal Baby. I’ve seen her grow from a Grandslam Best Actress into a much-admired and awarded public servant. She is truly an inspiration.

“I always enjoy myself when I attend the Ala Eh! Festival. After all, I am now a Taaleno, according to Gov. Vi herself.”

ni Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *