Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taha masaya sa panalo ng Purefoods

112514 yousef taha

ISANG sorpresa para sa Purefoods Star Hotdog ang impresibong laro ng back-up center na si Yousef Taha noong Linggo.

Naging bayani si Taha sa 77-74 panalo ng Hotshots kontra Meralco sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna, dahil sa anim na krusyal niyang puntos sa huling dalawang minuto upang iakyat ang kanyang koponan sa ika-apat na panalo kontra sa tatlong talo.

Tinapos ni Taha ang laro na may 14 puntos at siyam na rebounds.

Dating naglaro si Taha para sa Air21, Globalport, San Miguel Beer at Ginebra bago siya lumipat sa Purefoods at naging bahagi pa nga siya ng koponang nanalo ng Grand Slam noong huling season.

Bago siya naglaro sa PBA ay isang taon lang naglaro si Taha sa Mapua Cardinals sa NCAA.

Nagpasalamat si Taha kay Purefoods coach Tim Cone sa pagbibigay sa kanya ng break sa Hotshots lalo na dahil may pilay si Ian Sangalang at kagagaling lang si Marc Pingris sa paglalaro sa Gilas Pilipinas.

“I guess it’s just the timing. It’s getting close to the playoffs. We are stepping on the gas for the final push,” wika ni Taha. “I was well prepared for the game and with everything coach wanted. I always had it in me. Whatever the coach tells me, I’ll do it.”

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …