Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Senior Prom Reunion, dinagsa ng mga artista

ni Pilar Mateo

112514 Senior Prom Reunion

PARA kay Manay Ichu (Marichu Vera-Perez Maceda), ang naganap na Senior Prom Reunion niya sa renovated na Sampaguita Gardens ang pinaka-mahirap na event na nai-mount niya sa tanang buhay niya.

Nagsimula lang naman ito nang makausap niya si former President and now Manila MayorErap Estrada for a reunion ng lahat ng stars during his time, lalo na ang mga naging leading ladies niya mula dekada ’50 to the present.

Payag naman ang butihing Mayor na maituturing ding haligi ng industriya kaakibat ang bestfriend niyang si FPJ na nauna ng umakyat sa heaven.

And it was done. Mahigit 100 bituin ng sari-saring dekada ang sabi nga eh, bumaba mula sa langit-langitan ng celluloid world—eldest and now in a wheelchair, Madame Mila del Sol(mother of Jeanne Young) at ang pinakabata ‘ata sa kanyang naging leading ladies eh, ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

Present sina Quezon City Mayor Herbert Bautista and dad Butch, Niño Muhlach and sonAlonzo, Roderick Paulate, Kuya Germs, Maricel Soriano, Eva Eugenio, Caridad Sanchez, Elizabeth Ramsey, Maggie dela Riva, Lilia Dizon, Liberty Ilagan, Ms. Helen Gamboa with Senator Tito Sotto, Romeo Rivera, Pepito Rodriguez, Eddie Garcia, Phillip Salvador, Pilita Corrales, Ernie Garcia, Eddie Gutierrez with wife Anabelle Rama, Dulce…and the list just goes on and on…

Ang highlight eh, ang masinsinang pag-uusap nina Mayor Erap at Guy sa isang mesa nang magsimula nang mag-uwian ang iba at magkantahan na ang mga guest. Naging playful na naman si Bulilit sa kanyang Erap na noong una eh, hinahampas-hampas pa niya sa braso habang bini-biro-biro siya nito.

Ayon sa binigyan ng tribute sa reunion na ito, sana nga raw eh, maulit itong muli. Masaya nga raw na muling makita at makasama ang mga naging kapamilya, kapuso at kapatid niya in all his years in the business.

“Wala na ang bestfriend ko. Wala na si Vic Vargas. Pati si Bernard Bonnin. Nakaka-miss din, eh.”

Samantala, nakita rin namin itong nanood ng premiere ng baptism of fire ng kanyang apong si Julian Estrada sa pelikula nitong Relaks, It’s Just Pag-Ibig with Sofia Andres and Iñigo Pascual.

There was a point na nainip ito sa paglabas ng apo sa screen pero sulit na sulit naman ang happiness nang masilayan na niya ang tiniliang kaguwapuhan at performance nito.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …