Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rox Tattoo (Part 24)

00 rox tattoPLANADO NA LAHAT KINA ROX AT DADAY PATI ANG KASAL PERO MAY PATAWAG SI MAJOR

Doon sila nagsama ni Daday. Nagpundar siya ng kanilang mga gamit. Isa-isa niyang inihanda ang mga bagay na kakailanganin nila sa pagpapakasal. Pati na siyempre ang pagdedekoras-yon sa simbahan at salaping gagastusin sa reception.

“Handang-handa na ang lahat,” pagmamalaki niya kay Daday. “At ngayon pa lang ay talagang aking-akin ka na.”

“Selosa ako, ha? Aking-akin ka rin lang…” hagikgik ni Daday nang yakapin siya at hagkan sa punong-tainga.

“Alam mo, ang gusto ko sana ay magkaroon tayo ng sariling bahay. Maganda ‘yun, malaki at may swimming pool. Malawak ang solar para do’n makapaglaro-laro ng takbuhan ang ating magiging mga anak,” aniyang nangi-ngislap sa ligaya ang mga mata.

“Ilang anak ba ang gusto mo?” naitanong ni Daday.

“’Sandosenang puro lalaki para maging isang team ng basketball,” aniya sabay sa pag-arteng naglalaro ng basketball.

“Ay, kulang!” hirit ni Daday

“K-kulang pa?” pagkakamot niya sa ulo.

“Kelangan may muse… Dapat may babae rin tayong anak,” ang tawa ni Daday.

Tuwang-tuwa si Jakol nang ibalita niya ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Daday.

“Congrats, Kosa!” anitong mahigpit na nakipagkamay sa kanya.

“Isa ka sa mga magiging bestman namin, ha, ‘Dre?” aniya sa ka-buddy.

“Basta’t ikaw, okey sa olrayt… nanginginig pa,” tawa nito sa pagta-thumb’s up.

Dalawang buwan pa bago sumapit ang itinakdang petsa nina Rox at Daday sa kanilang pag-iisang dibdib. Marami pang DJ ang tiyak na tatrabahuhin pa ng grupo nina Rox at Jakol.

“Sabi ni Major, mag-report daw tayo sa kanya sa dating lugar,” sabi ni Jakol kay Rox na kausap sa cellphone.

“Kelan daw?” usisa niya sa ka-buddy.

“Mamayang gabi raw, bandang alas-nuwebe…”

Nagkita-kitang muli ang grupo ni Rox sa dating lugar sa pag-aabiso ni Major.

(Itutuloy)

 

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …