Monday , December 23 2024

Movie nina Ate Vi at Angel, heavy drama at pang-Mother’s day presentation ng Star Cinema

112514 angel vilma santos

00 fact sheet reggeePARA sa forever supporters ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ay muli siyang mapapanood sa pelikula kasama si Angel Locsin sa susunod na taon mula sa Star Cinema.

At kung hindi kami nagkakamali ay pang-Mother’s Day presentation daw ito, sabi ng Star for All Seasons.

Heavy drama ang nasabing pelikula dahil may sampalan daw sina Ate Vi at Angel kaya’t natanong ang future mother in law ng huli kung paano niya ito paghahandaan.

Ang mabilis na paliwanag ng aktres, “hindi ko pa alam, pero maganda kasi ‘yung istorya naiiba, maski ‘yung karakter ko rito iba, ‘yung sampalan isyu, tingnan natin, depende sa mga eksena. Pero noong nag-usap kami at nag-meeting, I told them (Star Cinema), I want something new, kaya nga pati buhok iba, eh, parang mayroong scrape, tignan natin ‘pag final na, hindi ko pa alam.”

102914 luis manzano

Luis, umayaw sa pelikula

Supposedly ay kasama pala si Luis Manzano sa pelikula nina Ate Vi at Angel pero umayaw daw ang binata.

“Originally talaga kaming tatlo, parang ang anak ko, ayaw niya na ibebenta (ipo-promote) ‘yung relationship nila ni Angel. Masyadong malaki ang respeto ni Lucky sa relationship nila ni Angel, ayaw niyang ma-commercial. Ayaw niya na baka mapaglaruan, so it’s the respect. The good thing is nire-respeto naman namin ‘yung desisyon ni Lucky,” pahayag ni Governor Vi.

112514 mother lily vilma santos

Mother Lily, makikisosyo sa Star Cinema

Samantala, natanong naman si Mother Lily Montevedre na katabi ni Governor Vilma at siyang nagpa-presscon kung bakit hindi niya ipinagpo-produce ng pelikula ang Star for All Seasons.

Natawa muna ang lady producer, “It’s hard for me to say this, I always talk to Malou Santos (Star Cinema managing producer), sabi ko, ‘Malou, pagbigyan mo naman ako, gusto kong magsosyo’. Sana, I will pray na sasagutin ako ng Star Cinema, sana pagbigyan niya ako.”

Sa kabilang banda, wala palang plano si Governor Vilma sa darating na 2016 kung kakadidato siya ulit o hindi na dahil ang nasa isip daw niya ngayon ay bumalik sa showbiz.

“Kung hindi man po ako matutuloy tumakbo ng 2016, gusto ko pong bumalik sa showbusiness, puwedeng artista, puwedeng producer, I might produce a film ulit, it’s just na hindi lang talaga matanggal sa puso ko ang showbiz kasi after ng 2016 ay 18 years na rin po akong public servant, I served Lipa City (bilang mayor) for 9 years and still another 9 years in the province of Batangas (governor).

“And ‘pag pinag-usapan ang politika, hindi talaga ganoon kadali ‘yun, ang pinaka-masarap lang sa akin ay 18 taon din akong pinagkatiwalaan ng mga Batangueno that I can serve them, so gusto kong tapusin ito at ga-graduate ako ng 2016 as the governor of the province na masabi nilang Governor Vilma Santos-Recto served us well, ‘she served as well’.

“Hindi ko po kayang maghimala o magawan lahat ng problema, but at least marinig ko lang na Governor Vilma Santos-Recto served as well at malaking bayad na ‘yun. So no plans in 2016, but definitely, I miss showbusiness, I miss showbusiness,” paliwanag ni Ate Vi.

112514 Ala Eh! Festival  taal Batangas

Ala Eh! Festival ng Batangas

Oo nga, base rin sa pahayag ni Vice Governor Mark Leviste na mahirap pantayan ang achievements ni Ate Vi sa lalawigan ng Batangas dahil sobrang hands-on daw siya sa lahat at diretsong makipag-usap at walang paligoy-ligoy.

Kaya pala muling pinababalik si Governor Vilma sa bayan ng Lipa City para muling mamuno bagay na kinompirma naman ng gobernadora.

Pero hindi pa nga niya tiyak at wala pa sa plano niya ang 2016 elections dahil gusto raw muna niyang magbalik sa industriyang kinamulatan niya.

In fairness, walang masasabi ang lahat ng namumuno ng bawat bayan ng Batangas dahil lahat ng project nila ay suportado ni Governor Vilma katulad nitong darating na Ala Eh! Festival sa Taal na magsisimula sa Disyembre 1-8, 2014.

Isang liggong selebrasyon ito para sa mga taga-Batangas na uumpisahan ng Fun Run ng 5:00 a.m. sa December 1. May trade fair, agri fair, photo exhibit at may street party sa Marcella Agoncillo Street na magsisimula ng 4:00 p.m..

May pakontes din para sa Mutya ng Taal, Taaleno Ang Galing Mo! na gaganapin sa Disyembre 2 at 3 at ang coronation night ay sa Disyembre 5 sa Taal Plaza na magkakaroon din ng maraming showbiz celebrities bilang panauhin at ang inaabangang grand finals ng Voices, Songs and Rhythms na gaganapin sa Disyembre 7, 7:00 p.m. at sa Disyembre 8 ay may Eucharistic celebration sa Basilica of St. Martin de Tours, 7:00 a.m. na susundan ng street dance at float parade patungong Taal Park na gaganapin ang festival dance competition.

Kaya inaanyayahan nina Governor Vilma at Vice Governor Leviste kasama na si Taal Mayor Michael Montenegro ang lahat ng kababayan na makiisa sa selebrasyon ng Ala Eh! Festival at tiyak na mage-enjoy ang lahat.

 

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *