Samantala, natanong naman si Mother Lily Montevedre na katabi ni Governor Vilma at siyang nagpa-presscon kung bakit hindi niya ipinagpo-produce ng pelikula ang Star for All Seasons.
Natawa muna ang lady producer, “It’s hard for me to say this, I always talk to Malou Santos (Star Cinema managing producer), sabi ko, ‘Malou, pagbigyan mo naman ako, gusto kong magsosyo’. Sana, I will pray na sasagutin ako ng Star Cinema, sana pagbigyan niya ako.”
Sa kabilang banda, wala palang plano si Governor Vilma sa darating na 2016 kung kakadidato siya ulit o hindi na dahil ang nasa isip daw niya ngayon ay bumalik sa showbiz.
“Kung hindi man po ako matutuloy tumakbo ng 2016, gusto ko pong bumalik sa showbusiness, puwedeng artista, puwedeng producer, I might produce a film ulit, it’s just na hindi lang talaga matanggal sa puso ko ang showbiz kasi after ng 2016 ay 18 years na rin po akong public servant, I served Lipa City (bilang mayor) for 9 years and still another 9 years in the province of Batangas (governor).
“And ‘pag pinag-usapan ang politika, hindi talaga ganoon kadali ‘yun, ang pinaka-masarap lang sa akin ay 18 taon din akong pinagkatiwalaan ng mga Batangueno that I can serve them, so gusto kong tapusin ito at ga-graduate ako ng 2016 as the governor of the province na masabi nilang Governor Vilma Santos-Recto served us well, ‘she served as well’.
“Hindi ko po kayang maghimala o magawan lahat ng problema, but at least marinig ko lang na Governor Vilma Santos-Recto served as well at malaking bayad na ‘yun. So no plans in 2016, but definitely, I miss showbusiness, I miss showbusiness,” paliwanag ni Ate Vi.
ni Reggee Bonoan