GUMAGAWA ng sariling pangalan si Lara Lisondra sa entertainment scene ng Riyadh, Saudi Arabia bilang singer. Ang 14 year old na dalagita na binansagang Pinay Teenstar ng Riyadh ay kasalukuyang nagpo-promote ng kanyang second single na pinamagatang Kung Di Ako Mahal under GENEOM Records.
Ang first single ni Lara ay pinamagatang Di Na Kakayanin Pa mula sa kanyang debut album entitled Simply Lara na nagkaroon ng grand launching last May 2, 2014 sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ang album niya ay binubuo ng 10 tracks, bukod sa tatlong original Filipino songs na nilikha ng kanyang talent manager, voice coach, at mentor na si Gene Juanich, mayroon ding cover versions dito ng mga kantang The Best Day at Dance With My Father. Naglalaman din ito ng minus one ng limang kanta ni Lara.
Abala ngayon si Lara sa guestings sa iba’t ibang weekly events ng mga Filipino community sa naturang bansa. Regular performer siya sa Riyadh Elite Dancers’ (RED), Party Pipz Connexion (PPC), The Rising Sun, at The Crown.
Si Lara ay ipinanganak sa Saudi Arabia sa mga Filipinong magulang na nakabase roon. Kasalukuyan siyang 3rd year high school sa Al-Dana International School. Early next year ay babalik sa Pilipinas si Lara para sa kanyang next album.
Para sa iba pang info sa album ni Lara, please contact her manager/producer, Mr. Gene Juanich @ email address: [email protected] or mobile # +966-54-9360158.