Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

La Salle, FEU, Ateneo, UST nakauna ng panalo (UAAP Women’s Volleyball)

101114 uaap volleyball

TINALO ng dating kampeong De La Salle ang Adamson University, 25-23, 24-26, 25-14, 25-17, upang maiposte ang una nitong panalo sa UAAP Season 77 women’s volleyball tournament noong Linggo sa The Arena sa San Juan.

Nagtala si dating Most Valuable Player Ara Galang ng 27 puntos mula sa 14 na supalpal at walong digs upang pangunahan ang Lady Spikers sa panalo kahit wala na ang kanilang mga dating pambatong sina Michelle Gumabao at Abby Marano.

“Maganda ang ipinakita ng Adamson, medyo nagulat nga kami. Ibang-iba ang galaw nila compared sa Unigames,” wika ni La Salle coach Ramil de Jesus. “Kahit down kami, kumakapit lang.”

Sa isa pang laro noong Linggo, pinataob ng Far Eastern University ang University of the Philippines, 25-14, 26-24, 25-20, sa pangunguna ng 15 puntos ni Bernadette Pons.

Noong Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay, minasaker ng University of Santo Tomas ang University of the East, 25-11, 25-12, 25-14 sa pangunguna ng rookie na si EJ Laure samantalang humataw si Alyssa Valdez ng 25 puntos sa 25-21, 25-18, 25-15 panalo ng defending champion Ateneo de Manila kontra National University.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …