Sunday , November 17 2024

Kim Chiu, naiyak; Vice, pinasalamatan si Willie (ABS-CBN, kumamada ng 34 tropeo; GMA 12 lang)

ni Roldan Castro

112514 kim chiu vice ganda

STAR studded ang naganap na 28th PMPC Star Awards for TV na dinaluhan nina Coco Martin, Richard Yap, Vice Ganda, Boy Abunda, James Reid, John Estrada, Jose Manalo, Toni Gonzaga, Nash Aguas, Maja Salvador, Ruffa Gutierrez, Michael V , Vicky Morales, Rufa Mae Quinto, Sunshine Cruz, Yasmien Kurdi atbp..

Iginawad naman ang kauna-unahang German Moreno Power Tandem kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Wagi naman ng Male & Female Star of the Night sina Inigo Pascual at Nadine Lustre.

Hosts naman sina Piolo Pascual, Kim Chiu, Enchong Dee, at Iza Calzado.

Nauso naman ang salitang “Cathay Pacific’ sa biruan ng mga PMPC membe dahil posibleng makatay o ma-edit out ang exposure nila sa TV ‘pag wala ang mga winner na aabutan nila ng tropeo gaya nina Judy Ann Santos, Kris Aquino, Jessica Soho, KC Concepcion, at Lyca Gairanod.

Bongga ang acceptance speech ni Vice Ganda na nanalong Male TV host na unang pinasalamatan si Willie Revillame na binibigyan siya ng moment noong baguhan pa lang siya at kapag nagge-guest siya sa Wowowee.

Hindi rin mapigilan ni Kim ang umiyak nang manalong Best Drama Actress dahil ‘yun na lang daw ang pinapangarap niya na ma-recognize ang talent niya sa pa-arte na hindi galing sa text votes ng fans. Hanggang pagbaba ng entablado ay hindi rin tumigil ang pag-iyak ni Sef Cadayona na nagwagi namang Best Comedy Actor. Feeling niya ay panaginip ang lahat at ayaw ng gumising.

Nagtakip naman ng mukha si Piolo sa hawak niyang cue cards habang nakaupo nang magkalat bilang presentor ang anak niyang si Inigo. Smart naman si Inigo pero first time yatang mag-presentor kaya kinabahan at nag-buckle. Dalawa o tatlong beses yatang inulit-ulit ang kanyang sinasabi at nag-sorry pa sa entablado. (Na okey lang naman dahil hindi pa talaga showbiz at sanay ang bagets. Cute pa rin naman siya—ED).

Si Jose Manalo naman ay tuwang-tuwa na ang pagiging Best Single Performance by An Actor niya sa Lenten Special sa Eat Bulaga ay dumiretso sa Star Awards. Hindi naman daw siya mahilig magpupunta sa awards night pero inutusan daw siya ng kanyang manager at executive ng TAPE na si Tita Malou Choa-Fagar na maging representative ng Eat Bulaga. Hindi naman daw siya makatanggi basta’t si MCF ang nagsabi kahit mag-isa lang siya kaya gulat na gulat siyang mayroon siyang maiuuwing tropeo.

Kumamada ng 34 awards ang ABS-CBN habang 12 tropeo ang nakuha ng GMA-7, lima sa TV5, at anim sa GMA News TV.

Mapapanood ang kabuuan ng palabas sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa ika-30 ng Nobyembre, 11:00 p.m.. Ito’y sa direksiyon ni Arnel Natividad.

Narito ang mga nagwagi: Best TV Station—ABS-CBN 2, Best Primetime TV Series— Ikaw Lamang (ABS-CBN 2), Best Daytime Drama Series—Be Careful With My Heart (ABS-CBN 2), Best Drama Actor—Coco Martin (Ikaw Lamang/ABS-CBN 2), Best Drama Actress— Kim Chiu (Ikaw Lamang/ABS-CBN 2), Best Drama Supporting Actor—John Estrada (Ikaw Lamang/ABS-CBN 2), Best Drama Supporting Actress—KC Concepcion (Ikaw Lamang/ABS-CBN 2), Best Drama Antology—Magpakailanman (GMA7), Best Single Performance by an Actor—Arjo Atayde (Dos Por Dos/Maalaala Mo Kaya/ABS-CBN 2) and Jose Manalo (Hulog ng Langit/Eat Bulaga Lenten Special/ GMA 7);

Best Single Performance by an Actress—-Sunshine Cruz (Karayom/Maalaala Mo Kaya/ABS-CBN 2); Best Child Performer— Raikko Matteo (Honesto/ABS-CBN 2), Best New Male TV Personality—Manolo Pedrosa (Selfie/Maalaala Mo Kaya/ ABS-CBN 2), Best New Female TV Personality—Lyca Gairanod (Red Envelope/ Maalaala Mo Kaya/ ABS-CBN 2), Best Gag Show——Goin’ Bulilit (ABS-CBN 2), Best Comedy Show—Home Sweetie Home (ABS-CBN 2), Best Comedy Actor—Sef Cadayona (Bubble Gang/GMA 7), Best Comedy Actress—Rufa Mae Quinto (Bubble Gang/GMA 7);

Best Variety Show—It’s Showtime (ABS-CBN 2); Best Musical Variety Show—ASAP 19 (ABS-CBN 2); Best Male TV Host—Vice Ganda (It’s Showtime/ABS-CBN 2), Best Female TV Host—Toni Gonzaga (ASAP 19/ABS-CBN 2);

Best Public Service Program—T3 Enforced (TV5); Best Public Service Program Host—Vicky Morales (Wish Ko Lang/GMA 7); Best Reality Show—It Takes Gutz To Be Gutierrez (TV 5); Best Reality Show Host—Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, John Prats, & Robi Domingo (Pinoy Big Brother All In /ABS-CBN 2); Best Game Show—Celebrity Bluff (GMA 7); Best Game Show Host—Judy Ann Santos (Bet On Your Baby/ABS-CBN 2); Best Talent Search Program—Celebrity Dance Battle (TV 5); Best Talent Search Program Host—Luis Manzano & Alex Gonzaga (The Voice Kids/ ABS-CBN 2); Best Youth Oriented Program—Luv U (ABS-CBN 2), Best Education Program—Born To Be Wild (GMA 7) and Matanglawin (ABS-CBN 2); Best Eduation Program Host—Kim Atienza (Matanglawin/ABS-CBN 2);

Best Celebrity Talk Show—Gandang Gabi Vice (ABS-CBN 2); Best Celebrity Talk Show Host—Vice Ganda (Gandang Gabi Vice/ABS-CBN 2); Best Documentary Program—I-Witness (GMA 7); Best Documentary program Host—Sandra Aguinaldo, Kara David, Howie Severino, Jay Taruc (I-Witness/ GMA 7); Best Documentary Special— Yolanda (ABS-CBN 2); Best Magazine Show—I-Juander (GMA News TV); Best Magazine Show Host—Susan Enriquez, Cesar Apolinario (I-Juander /GMA News TV); Best News Program—State of the Nation (GMA News TV); Best Male Newscaster—Erwin Tulfo (Aksyon/TV 5); Best Female Newscaster—Jessica Soho (State of the Nation/ GMA News TV);

Best Morning Show—Umagang Kay Ganda (ABS-CBN 2); Best Morning Show Host—Anthony Taberna, Jing Castaneda, Zen Hernandez, Ariel Ureta, Atom Araullo, Winnie Cordero (Umagang Kay Ganda/ABS-CBN 2); Best Public Affairs Program—The Bottomline (ABS-CBN 2); Best Public Affairs Host—Boy Abunda (The Bottomline/ABS-CBN 2), Best Showbiz Oriented Talk Show—The Buzz (ABS-CBN 2); Best Male Showbiz Oriented Talk Show Host—Ricky Lo (Startalk/ GMA 7); Best Female Showbiz Orientalk Talk Show Host— Toni Gonzaga (The Buzz/ABS-CBN 2); Best Children Show—Tropang Pochi (GMA 7); Best Children Show Host—Miggs Cuaderno, Kyle Danielle Ocampo, Sabrina Man, Miggy Jimenez, Lianne Valentino, Isabel Frial, Nomer Limatog (Tropang Pochi/GMA 7), Best Travel Show—Byahe ni Drew (GMA News TV), Best Travel Show Host—Aga Muhlach (Pinoy Explorer /TV 5), Best Lifestyle Show—Gandang Ricky Reyes (GMA News TV); Best Lifestyle Show Host—Kris Aquino (Kris TV/ABS-CBN 2);

Ading Fernando Lifetime Achievement Award—Nova Villa; Excellence in Broadcasting—Mike Enriquez; German Moreno Power Tandem of the Year—Kathryn Bernardo and Daniel Padilla; Male Star of the Night—Inigo Pascual; Female Star of the Night—Nadine Lustre.

 

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *