KINUKUYOG ng mga ‘turista’ patungong Macau, Hong Kong, Singapore at Abu Dhabi ang Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) …
Pero hindi sila mga simpleng turista na gagala lang sa Macau, Hong Kong, Singapore at Abu Dhabi, sila ‘yung mga turistang maghahanap ng trabaho sa ibang bansa.
In fairness, karamihan sa kanila ay mga professional at graduate sa mga prestihiyosong kolehiyo at unibersidad pero hindi makasumpong ng trabaho sa bansa kaya napipilitang makipagsapalaran sa ibang bayan.
At dahil eager-beaver silang magkatrabaho, sila ang mga nabibiktima ng konek-konek na sindikato ng ilang Immigration officers d’yan sa Clark DMIA.
Kung seryoso ang Bureau of Immigration (BI) na lutasin ang talamak na human trafficking sa Clark DMIA, simple lang ang dapat gawin ni Immigration Commissioner Siegfred Mison …
Sudsurin niya ang mg Immigration Officers na mayroong bagong auto.
‘Yun lang po Commissioner!