Monday , December 23 2024

Facebook user binalaan vs kidnappers

112514 facebookBUNSOD nang tumataas na insidente ng krimen dahil sa paggamit ng social media, nagbabala ang pambansang pulisya sa mga gumagamit nito na mag-ingat sa pagpo-post ng larawan at kabuhayan sa social networking sites.

Ito ay makaraan matuklasan ng PNP na may mga nahihikayat na kriminal na biktimahin ang mga negosyante at mga taong ipino-post ang kanilang kabuhayan sa facebook, at dinudukot sila para humingi ng ransom.

Ayon kay Senior Supt. Rene Aspera, chief of staff ng Anti-Kidnapping Group, ilan sa malalaking sindikato sa bansa ay gumagamit na ng Facebook o social networking websites sa paghahanap ng maaaring maging mga biktima.

Batay sa report mula sa AKG, nakatanggap sila ng 43 kaso ng kidnap-for-ransom sa Luzon at Mindanao at karamihan sa mga insidente ay konektado sa Abu Sayyaf group.

Bagama’t mas mababa sa lima ang kompirmadong kaso sa kidnap-for-ransom gamit ang social networking site ay muling iginiit ng opisyal na mas maiging iwasan na lamang ang pag-post at pagpapakita ng yaman, mga ari-arian o lifestyle na makahihikayat sa mga kidnapper.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *