Monday , December 23 2024

Binay gagawing ‘Poster Boy’ ng korupsiyon

112514_FRONTHINDI magkakaroon ng katahimikan si Vice President Jejomar Binay kahit na pansamantalang itinigil ng Senado ang imbestigasyon sa mga alegasyong nag-uugnay sa kanya sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Tiniyak ngayon ng mga lider-kabataan na itutuloy nila ang kampanya para ipaliwanag sa mga mamamayan ang dahilan kung bakit hindi na dapat manungkulan sa pamahalaan ang mga tiwaling opisyal tulad ni Binay.

“Obligasyon naming mga kabataan na tiyakin ang magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon. Mangangampanya kami sa buong bansa para ilantad ang katiwalian ng ilan nating lider sa gobyerno,” ani Rodney Lawrence Macaraeg, Secretary General ng bagong tatag na United Philippines Against Corruption (UPAC).

“Unang-una sa aming listahan si Vice President Binay na itinuturing namin na ‘poster boy’ ng korupsyon sa ating bansa ngayon,” dagdag ni Macaraeg.

Isa si Macaraeg sa mga convenor ng kampanyang “Ako ay Responsableng Pilipino, Ayoko sa Corrupt” na inilunsad sa pamamagitan ng isang ‘Forum on Corruption’ na ginanap sa Our Lady of Remedies Parish Training Center ng Malate Church sa Maynila.

Kasama ni Macaraeg sa nasabing pulong ang mga kinatawan ng Supreme Student Council ng Pamantasan ng Lunsod ng Maynila (PLM), CAS Student Council, Aduana Business Club, KAMPI, Social and Cultural Development Advocators of the Philippines at Our Lady of Remedies Parish.

Pangunahing tagapagsalita sa nasabing Forum sina Atty. Renato Bondal ng United Makati Against Corruption at Atty. Levi Baligod ng Active Citizenry and Integrity of Public Service.

Si Bondal ang abogado na nagsampa ng kasong plunder sa Ombudsman laban kay Binay at iba pang opisyal ng Makati City Hall kaugnay ng kanilang partisipasyon sa ‘tongpats’ na ginawa sa pagpapatayo ng kontrobersyal na Makati Parking Building.

Si Baligod naman ang abogado na nagsampa ng kasong plunder kay Janet Napoles at iba pang indibidwal na sangkot sa pagnanakaw ng mahigit P10-bilyong pondong mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ayon kay Macaraeg, magsasagawa sila ng kahalintulad na Forum sa lahat ng panig ng bansa mula ngayong Nobyembre hanggang sa susunod na taon para maimulat ang mga Filipino sa masamang epekto ng korupsiyon sa kabuhayan ng mamamayan.

“Umpisa pa lamang ito ng aming malawakang pagkilos. Maraming mga lider ng kabataan at iba pang sektor mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang nagpahayag ng interes na sumali sa kampanya namin laban sa korupsiyon,” ani Macaraeg.

“Kung akala ni Vice President na matatahimik siya dahil ipinagpaliban ang pagdinig ng Senado sa mga kaso ng katiwalian sa Makati, nagkakamali siya. Hindi namin hahayaan na makalimutan ng mamamayan ang pangungulimbat na ginawa niya sa kaban ng bayan,” dagdag ng lider-kabataan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *