INILUNSAD na ang ‘average-sized’ doll na si Lammily na inaasahang magiging karibal nina Barbie at Cindy. (ORANGE QUIRKY NEWS)
MAAARI nang mabili ang ‘average-sized’ doll na inaasahang magiging kakompetensiya nina Barie at Cindy, makaraan ang matagumpay na crowdfunding campaign.
Nagdesisyon si Nickolay Lamm, 25, mula sa Pittsburgh, na lumikha ng manika base sa ‘measurements’ ng average 19-year-old American woman.
Nakapag-ipon siya ng £60,000 sa pamamagitan ng Kickstarter para mabuo ang Lammily doll, na taglay ang tagline na “Average is beautiful.”
Mahigit 13,621 backers ang omorder ng 19,000 dolls na nagkakahalaga ng £16 bawat isa at may kasama nang iba’t ibang kasuutan.
Kasama rin dito ang stickers para sa dagdag na tattoos, blushing, mosquito bites, gayondin ang reyalistikong ‘imperfections’ katulad ng stretchmarks, acne, at peklat.
Ibinase sa ‘human size,’ si Lammily ay may 32ins bust, 31ins waist at 33ins hips kompara sa hindi reyalistikong si Barbie na may 36-18-33 figure.
Sinabi ni Mr. Lamm: “I got a lot of requests from parents and kids to create the Lammily doll after they saw my ‘Real Barbie’ project last year.
“Lammily will be a new character in the doll world, something that they’ve never had before.” (ORANGE QUIRKY NEWS)