Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rox Tattoo (Part 23)

00 rox tattoNALUBOS ANG KALIGAYAHAN NINA ROX AT DADAY NANG MULING TANGGAPIN ANG ISA’T ISA

“Mahal na mahal kita, ‘Day… Ano pa ang silbi ng buhay ko kung ‘di mo na ako mahal…” aniya nang bumitiw ang mga labi sa mga labi ni Daday.

Napahagulgol si Daday sa pag-iyak.

“W-wala akong kwentang babae… H-hindi mo ako maipagmamalaki,” anitong basag ang tinig.

“Wala akong pakialam sa sasabihin ng buong mundo. At sino ba ako, ha? Mas wala akong kakwenta-kwentang tao,” aniyang du-magok-dagok sa sariling dibdib.

Kusa nang yumakap sa kanya si Daday. Nagyakapan sila nang buong higpit. Binulu-ngan niya ito ng “I love you.” At “I love you, too… “ ang ganti nito sa kanya.

Sa mga pusong umiibig at tapat na nagmamahal gaya nina Rox at Daday ay nagiging makulay ang buhay. Matamis ang bawa’t sandali para sa kanilang dalawa. At natuto silang mangarap ng maligayang bukas.

“P-pakakasal tayo?” naitanong kay Rox ni Daday na halos ‘di makapaniwala.

“Kung papayag ka…”

“Payag na payag, Rox…”

“Sa araw mismo ng bertdey mo, ‘Day… Okey sa ‘yo?”

Sa labis na kagalakan ay nayakap at nahagkan ni Daday si Rox sa gitna ng karamihan ng tao sa loob ng isang mall sa Pasay.

“’Yun ang pinaka-memorableng regalo na tatanggapin ko sa aking kaarawan,” sabi ni Daday na maluha-luha ang mga mata.

Dahil mapera na noon si Rox, nilubos-lubos na nila ni Daday ang pagpapakaligaya. Ipinalasap niya sa nobya ang maalwang pamumuhay. Kung saan-saang malalaking restoran sila tumitikim ng masasarap na pagkain, gala rito-gala roon, at maya’t maya ang pamimili ng mga pampersonal na gamit na pawang mamahalin.

Isang malaki-laking apartment ang inupahan ni Rox.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …