Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacquiao dinomina si Algieri

112414 pacman algieri

00 kurot alexBAGO pa nagsagupa sina Manny Pacquiao at Chris Algieri, nagbigay ng prediksiyon si Freddie Roach na patutulugin ni Pacman ang Kanong boksingero sa unang round.

Nabigo mang tapusin ni Pacquiao si Algieri sa Round One, hindi nadesmaya ang kanyang fans dahil sa kabuuan ng kanyang laro ay naging impresibo ang kanyang ipinakita.

Naipakita ni Pacquiao ang kanyang sinasabing pagbabalik ng kanyang gutom sa boksing at bagsik ng kanyang kamao nang pagulungin niya ng anim na beses ang kalaban.

Nakasalba man si Algieri sa 12 rounds, nagbubunyi ang fans ni Pacman sa buong mundo dahil kitang-kita ang pagbabalik ng bagsik ng kanyang kamao.

Katulad ng inaasahan, sa post interview kay Pacquiao ay natanong ang posibleng laban nila ni Floyd Mayweather Jr, at simple ang isinagot niya: ”He’s going to fight me?”

Ito ang dialog ni Pacman sa sumikat niyang FOOTLOCKER commercial na klarong patungkol kay Mayweather.

Ang isa pang umagaw na eksena sa malaking panalo ni Pacquiao ay nang ipakita sa camera si Mommy D na hawak ang rosaryo habang nakaluhod na nagdarasal.

Kantiyaw nga nga mga miron sa aming lugar nang makita ang eksenang iyon, ”Tiyak na magiging VIRAL iyon sa internet. Tiyak din na sasapawan nun ang impresibong panalo ni Pacquiao.

 

Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …