IPINATATANONG po ito ng maliliit na negosyante d’yan sa Parañaque City.
Nagtataka raw kasi sila kung bakit bumagal ang proseso ng mga transaksiyones at tila bumalik ang red tape d’yan sa Parañaque Bureau of Permit and Licensing Office (BPLO).
Noong panahon daw kasi ni Mayor Florencio “Jun” Bernabe, walang kahirap-hirap sa paglalakad ng kanilang papeles ang mga negosyante d’yan lalo na ‘yung malilit lang naman ang negosyo.
Sabi nga nila, parang ‘nagbalik’ na naman daw ang red tape sa BPLO.
Paging Parañaque BPLO Head Atty. Melanie Malaya, Madam! Tinatawag po ng mga taga-Parañaque ang atensiyon ninyo, dahil baka hindi ninyo nalalaman ang ganitong problema sa inyong tanggapan.
Aba ‘e kailangan ninyong busisiin ‘yan kung nalulusutan man kayo.
Nagre-reflect kasi ‘yan sa performance ng ‘bossing’ ninyo na si Mayor Edwin ‘ako bahala’ Olivarez. Baka bigla siyang bigyan ng ‘failing grade’ ng mga constituent sa 2016.
Pakibusisi na nga po Atty. Malaya!