Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mahal Kita pero… (Ako’y Isang Aswang) (Ika-10 Labas)

00 mahal kita aswangNAIS DALHIN NG MGA TAO SI NANA MONANG SA BARANGAY PARA PARUSAHAN PERO UMAWAT SI GABRIEL

“Umaakting lang ‘yan, Tserman…” urot kay Tserman ng isang kabataang lalaking nasa tapat ng bintana ng aming bahay.

“Dalhin na ‘yan sa barangay!” panunulsol naman ng isang matandang lalaki.

Talaga sanang bibitbitin na si Inay ng mga tanod sa barangay nang biglang mamagitan si Gabriel na kadarating lamang.

“Sandali po, Tserman…” aniya sa a-ming punong-barangay.

“Sino ka?” usisa niya kay Gabriel.

Nagpakilala kay Tserman ang nobyo ko bilang unang kagawad sa isang baryong nasasakupan ng aming lalawigan.

“Madali pong mag-akusa, Tserman… Pero mayroon po bang matibay na ebidensiya, patunay at tatayong saksi laban kay Aling Monang?” katwiran ni Gabriel kay Tserman.

Napansin ko ang pag-askad ng mukha ng aming punong-barangay. Matalim na titig ang ipinukol niya kay Gabriel. Pero hindi nabusalan niyon ang bibig ng aking nobyo.

“Sino sa mga naririto ang nakakita na ng aswang o impakto?” naitanong niya sa pangkalahatan. “Pakitaas lang po ang kamay ninyo…”

Isa man ay walang nakakita. Nagkatinginan lang ang bawa’t isa.

“Tanong lang po… Totoo po bang lumalabas ang mga aswang at iba pang kampon ng kadiliman tuwing kabilugan ng buwan?” pagtatanong ulit ni Gabriel.

“’Yan po ang pagkakaalam ko…” ang tugon ng matandang lalaki.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …