MUKHANG may ‘kalalagyan’ talaga ang pamumuro ang bagitong Immigration Officer na ang lakas mag-power trip.
Nakarating na kay Bureau of Immigration – Airport Operation Division (BI-AOD) acting chief, Julius Cortes ang reklamo ni MIAA AGM-SES ret. Gen. Vicente Guerzon, Jr., laban sa isang Immigration Officer na walang iba kundi si IO Aldwin Pascua.
Sonabagan!!!
Ikaw na naman!?
Ang reklamo ni AGM Guerzon ay kaugnay ng ilegal na ‘pamimitas’ sa identification card nina NCLSSA personnel Ryan Abdurahman at AVSEC Guard Elmer Sumalangit ni IO Pascua.
Ang insidente ay naganap umano nitong Oktubre 28, 2014 dakong 7:20 ng umaga sa Arrival Immigration Side Alley sa NAIA terminal 1.
Sa kanyang liham, nais ipaalala ni AGM Guerzon na tanging MIAA designated security personnel lamang ang awtorisadong magkompiska ng access ID/pass sa sino mang pass holder na nasa NAIA Complex kabilang na umano ang personnel ng BI.
Kung mayroon umanong paglabag sa MIAA rules and regulations ay maaari itong iulat sa security personnel para sa agarang aksyon.
Tsk tsk tsk …
BI Comm. Fred Mison, mukhang ipapahamak ka nitong si IO Aldwin Pascua.
Pinakikialaman pati ‘yung hindi n’ya teritoryo at trabaho!
Maraming nang bulilyaso si IO Pascua sa BI-NAIA. And I think, he should not be assigned at any airport terminal… mas mabuti siguro sa cross border sa Tawi-tawi i-assign ang isang ‘yan.
Mas nababagay siguro siya do’n, Sir!?
Bago pa muling ‘magkalat’ sa airport!