Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hologram concert ni Julie Anne, magastos

ni Roldan Castro

112414 julie anne san jose

PINAKAMALAKING concert ni Julie Anne San Jose ang Hologram sa December 13 sa MOA Arena.

First major concert niya ito sa ilalim ng direksiyon ni Louie Ignacio. Hologram pa lang ay aabot na ng P2-M kung apat ang gagamitin nila sa entablado.

Ang mga sure na guest niya ay sina Christian Bautista, Abra, Sam Concepcion. Inire-request din niya sina Kyla, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, at Maricris Garcia na hopefully ay magkaoon daw sila ng birit number.

Si Elmo Magalona, rati niyang ka-love team, hindi ba niya ini-request?

Tumawa muna siya sabay sabing “I think, he’s ano busy din kasi,” tugon lang niya.

Hindi ba sumama ang loob niya na walang support si Elmo sa first major, major concert niya?

“No,” mabilis niyang sagot.

“Si Elmo naman ..sa mga past concert ko nandoon siya, eh! I think wala namang grudge feelings. Wala rin naman kaming grievances. We’re in good terms. We just grew apart para sa individual career namin,” dugtong pa niya.

Excited na si Julie Anne at grabe ang ginawa niyang preparation dahil nagkaroon pa siya ng dance lessons, voice lessons, at rehearsal din na umabot na raw ng isang buwan.

Ayon naman sa kanyang producer, ang Tarroza Entertainment Productions sa pangunguna ni Robby Tarroza, maganda ang sales ng tickets at nasa history na sa first 3 days ay P1.7-M agad ang bumili sa ‘Hologram’ concert.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …