Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ejay, pinainom ni Direk Malu ng suka para matutong umarte

112414 Direk Malu Sevilla ejay

00 fact sheet reggeeISA si Direk Malu Sevilla sa natutuwa sa magagandang papuri ngayon kay Ejay Falcon pagdating sa pag-arte dahil nakatrabaho niya noong bago pa lang ang aktor.

Isa si direk Malu sa humubog kay Ejay pagdating sa pag-arte, pero ayaw niyang i-claim iyon dahil katwiran niya, maski na anong pukpok niya kung ayaw ng may katawan ay wala rin.

Sa kaso ni Ejay ay talagang nagpursige ang binata, ”si Ejay pa rin ‘yun kasi binago niya ang sarili niya, nagpursige siya at tinulungan ko lang siyang i-motivate,” paliwanag ni direk Malu.

Ang seryeng Katorse ang unang project ni Ejay kasama sina Enchong Dee at Erich Gonzalesna noon ay talagang bubot pa pagdating sa pag-arte ang produkto ng Pinoy Big Brother Teen Edition.

Hindi naman itinanggi ng nasabing direktor na nahirapan siya kay Ejay, ”matiyaga ako kay Ejay kasi alam mong gusto niyang matuto at maski na kinagagalitan ko na, wala akong narinig sa kanya ni ano.

“There was a time na literally, pinainom ko ng isang kutsarang suka para makuha ‘yung tamang expression na maasim ang mukha niya kasi talagang hirap siyang ibigay, so far nakuha niya,” kuwento ng direktor.

Kuwento pa ni direk Malu, ”isa pang reason why I love Ejay, kasi everytime na nakikita niya ako or ‘pag nalaman niyang nasa taping ako before ng ‘Todamax’, at nasa ABS-CBN siya, pupuntahan niya talaga ako at magpapasalamat nang husto na kung hindi raw sa akin hindi niya mararating ‘yung narating niya kaya sobrang pasalamat talaga siya.

“Kaya sabi ko nga, ‘Ejay, you don’t need to do that kasi hindi ako, ikaw ‘yan, sarili mo ‘yan’ pero ipipilit nga niya malaki ang nature ko sa kanya. Well, that’s nice to hear from him kasi marunong tumanaw. Marami kasi ngayon ‘di ba, parang wala lang.”

Sabagay, mabait naman si Ejay, kaya lang bakit hindi nawawala ang isyung may sumusuporta raw sa kanyang bading?

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …