Thursday , December 26 2024

Binay out, Erap in sa 2016?

00 pulis joeyHABANG pababa nang pababa ang trust ratings ni Vice President Jojo Binay, bunga ng mga akusasyon ng katiwalian laban sa kanya at kanyang pamilya, lumilitaw ang scenario na si impeached President at ex-convict plunderer Joseph “Erap” Estrada na lang ang tatakbong presidente sa 2016.

Oo, ito umano ang “Plan B” ng partido nina Binay at Erap na United Nationalist Alliance (UNA) na binuo ng tandem nila noong 2010 na pumangalawa si Erap kay Presidente Noynoy Aquino.

Ang problema lang ng kampo, ang legalidad nang muling pagtakbo ni Erap at ang kanyang edad.

Si Erap, 75 anyos, kasalukuyang mayor ng Maynila, ay may nakabinbin na disqualification case sa Korte Suprema na isinampa ng isang Atty. Alice Vidal noon pang Enero 2013.

Kinuwestiyon ni Vidal ang legalidad ng pagtakbo ni Erap noong nakalipas na eleksyon matapos ma-convict sa kasong plunder o pandarambong.

Nakasaad kasi sa ating Saligang Batas na ang sinumang nahatulan ng reclusion perpetua o kulong habambuhay kahit na nabigyan pa ng ‘Presidential Pardon’ ay hindi na maaaring humawak ng ano mang posisyon sa gobyerno.

Katulad ni dating Congressman Romeo Jalosjos na na-convict sa kasong Rape. Nabigyan din siya ng pardon at nang muling kumandidato noong 2013 ay ini-disqualify ng Korte Suprema.

Ito ngayon ang inaalala ng kampo ni Erap. Kaya kailangan nang madesisyonan ng Korte Suprema ang kanyang kaso. Upang sa ganoon, kapag pumabor sa kanya ang desisyon ay makapagpaplano na ang UNA kung tutuloy pa ba si Binay o si Erap uli ang ilalaban sa 2016.

Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, ano na ba ang nangyari sa kaso ni Erap? Bakit napakatagal naman yatang desisyonan? E nauna pa yata itong isinampa sa kaso ni Jalojos e?

Tsk tsk tsk…

Problemang barker sa Alabang

– Mr. Venancio, isa po akong bus driver na may biyaheng Alabang/Malanday. Reklamo ko lang po yung mga barker dito sa aming pilahan sa Star Mall-Alabang. Masyado na pong lumalala kasi pag ‘di nakapagbigay tatakutin ka pa o kaya naman pagbabantaan kang basagin ang ilaw mo sa likod. Ang mga guardia naman po ng Star Mall baliwala lang kasi pati sila nakikinabang. Basta po pag pumila kami mahina na ang gastos namin sa barker P30. Nagbabayad naman po kami ng ligal sa Star Mall ng P60. Bukod pa po yung taga-hingi ng guardia na pag ‘di ka nagbigay sa guardia palalayasin ka kahit wala ka pang laman na pasahero. Sana matulungan kami sa problema namin sa terminal dito. – 09332007…

Ang MMDA yata ang may kontrol sa bus terminal sa Star Mall. Dapat wala nang barker d’yan. Sinabi kamakailan ni MMDA Chairman Francis Tolentino na tinanggal na nila ang limit ng oras ng paghihintay ng pasahero ng bus. Chairman Tolentino, Sir, paki-check lang po ang report na ito ng bus driver d’yan sa inyong terminal. Aksyon!

Nasunog na Grand Central sa Caloocan ginagawang shabuhan ng mga driver

– Mr. Venancio, report ko po ang mga security guard ng nasunog na Grand Central dito sa Caloocan. Kasi po wala silang ginagawa sa mga natutulog na driver ng BUSTODA dito, kungsaan gumagamit pa ng droga at nag-iinuman. Sobrang ingay nila rito sa gabi. Tapos ginagawa rin nila itong kulungan ng mga manok, kaya ang baho na tuloy ng lugar dito. Huwag nyo lang po ilabas ang numero ko. -Concerned citizen

Aba’y dapat palitan ng management ng Grand Central ang security guards d’yan kung pinababayaan nila ang mga ilegal na ginagawa ng mga taga-BUSTODA.

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *