PATAY ang isang notorious Abu Sayyaf group (ASG) leader sa shootout incident nang pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya sa probinsiya ng Sulu kamakalawa.
Kinilala ni Joint Task Group Sulu Commander Col. Alan Arrojado ang ASG leader na si Sihata Latip.
Ayon kay Arrojado, nanlaban ang suspek nang arestuhin ng security forces.
Naganap ang insidente bandang dakong 4:45 p.m. sa Brgy. Duyan Kaha, Parang,Sulu.
Sa nasabing insidente, isang sundalo ang napaulat na napatay rin habang isa ang sugatan nang umigting ang ilang minutong palitan ng putok.
Sa kabilang dako, ayon kay Armed Forces of the Philipipnes (AFP) PAO chief, Lt. Col. Harold Cabunoc, ang napatay na ASG leader ay sangkot sa mga insidente ng pagdukot ng foreign nationals at sa serye ng marahas na mga pag-atake laban sa government forces.