NAGSIMULA nang tumakbo ang kauna-unahang bus ng United Kingdom na pinaaandar ng food waste at dumi ng tao. (ORANGE QUIRKY NEWS)
NAGSIMULA nang tumakbo ang kauna-unahang bus ng United Kingdom na pinaaandar ng food waste at dumi ng tao. Ito ay pinatakbo mula Bristol hanggang Bath.
Ang 40-seater Bio-Bus ay tumatakbo sa gas na nagmula sa treated sewage at food waste. Naniniwala ang mga engineer na ito ay maaaring pagmulan ng gas na magagamit sa public transport at mababawasan ang emisyon sa mga bayan at lungsod na matindi ang polusyon.
Umaandar sa pamamagitan ng waste products na ‘renewable and sustainable’, ang bus ay maaaring tumakbo nang hanggang 300km kapag full tank sa gas na mula sa Bristol sewage treatment, na pinatatakbo ng GENeco, subsidiary ng Wessex Water.
Sinabi ng Bath Bus Company, na nag-o-operate dito, ang bus ay ‘greener’ para sa kalikasan at idinagdag na sila ay natutuwa na gumagamit sila ng Bio-bus para sa lumalawak nilang
A4 service mula Bath hanggang Bristol Airport.
Sinabi ni GENeco general manager Mohammed Saddiq: “Through treating sewage and food that’s unfit for human consumption we’re able to produce enough biomethane to provide a significant supply of gas to the national gas network that’s capable of powering almost 8,500 homes as well as fuelling the Bio-Bus.
“Gas powered vehicles have an important role to play in improving air quality in UK cities, but the Bio-Bus goes further than that and is actually powered by people living in the local area, including quite possibly those on the bus itself.
“Using biomethane in this way not only provides a sustainable fuel, but also reduces our reliance on traditional fossil fuels.”
(ORANGE QUIRKY NEWS)