SPEAKING of this Immigration Officer po-wer-tripper, napag-alaman natin na may ginawa na palang complaint si Cavite Congressman laban kay IO Aldwin Pascua sa Bureau of Immigration-OCOM at nasa Board of Discipline (BOD) na pinamumunuan ni Associate Commissioner Roy Ledesma.
(By the way IO Pascua, maraming die-hard supporter pala ni Cavite Congressman ang nagtatanong na sa akin tungkol sa ‘yo. Gusto ka raw nilang makilala!)
Knowing AssComm. Ledesma, hindi pwedeng palusutin ang/palusutan ng Immigration employees na ‘kapos’ at ‘lagpas’ sa itinatadhana ng RA 6713, tiyak na mare-realize ni IO Pascua na letra at number lang ang katapat ng kagaspangan ng pag-uugali niya bilang public sector employee.
Kaya inuulit po ng inyong lingkod, lalo sa mga bagong Immigration Officer, kahit na ang apel-yidong ipinamana sa inyo ng mga magulang ninyo ay may kaakibat na yaman at impluwensiya, ‘e gampanan ninyo nang buong husay at may da-ngal ang inyong tungkulin.
Kayo ay itinalaga sa mga tungkulin ninyo ngayon para maglingkod sa publikong nagpapasweldo sa inyo kaugnay ng mga batas at regulasyon sa paglalakbay at paglilipat-lugar ng isang tao.
Hindi sila dumaraan sa inyong immigration booth para makaranas nang walang pangalawang kabastusan, arogansiya at pang-aabuso.
Kaya naman natutuwa tayo na sa isang kagaya ni AssCom. Roy Ledesma ipinamahala ni BI Commissioner Fred Mison ‘yang BI-BOD.
Kaya kay Immigration Officer Pascua, hintay-hintay ka lang … malapit ka nang sentensiyahan sa BI main office!
Good luck na lang sa ‘yo ‘bata!