ISA si Mojack sa nakibahagi sa ginanap na free concert na Handumanan: Pasasalamat sa mga Bayani ng Haiyan sa Quezon City Memorial Circle noong November 7. Ayon sa singer/comedian, masaya siyang makatulong at maging bahagi ng ganitong event.
“Nag-host po ako rito Kuya with the DJ’s of radio stations like Papi Charlz ng MOR 101.9, at Papa Dan, Papa Dudut, Papa Baldo & Mama Belle of Brgy LSFM 97.1 Tugstugan na. Ako naman po, bilang representative ng Brigada News FM 104.7. It’s a free concert po for Yolanda victims, directed by Papa Carlo Maceda.
“Napakasaya ko kuya, as in super dahil alam mo naman po ako, pagdating sa pagtulong para sa kababayan natin na nangangailangan, support po ako riyan. Sa sobrang saya ko, hindi ko naramdaman ang pagod at stress. Pagdating po sa mga nasalanta ng bagyo o anumang sakuna, ‘di man ako makaabot ng kahit anong halaga, basta kailangan ng serbisyo ko ay susuporta ako talaga.
“Kahit libre ay okay lang, dahil ‘ika nga po, ‘Share your blessings and share your talent.’ Kasi, gift po iyan ni God na ipinagkaloob lang sa atin,” saad ni Mojack.
Maraming shows sa Japan si Mojack. Katunayan, ilan dito ay makakasama niya si Andrew E. Ang iba niyang shows sa Japan ay sa Pamilya Restaurant Kawasaki Comedy Bar sa November 21, 22, 29 & 30. Sa November 24 naman sa Osaka, at November 29, sa Yokosuka Base sa Japan.
Labis na pinasasalamatan ni Mojack ang masipag na manager niyang si Ms. Jackie Dayoha sa kabaitan nito at walang sawang pagtulong sa kanya.
ni Nonie V. Nicasio