Monday , December 23 2024

Land grabber na PNP Gen tao ni Mar?

112114_FRONT08INUNYAG ng grupong Lakap Bayan na hindi kayang sibakin ni Philippine National Police (PNP) Director General Alan Purisima si PNP Director for Comptrollership Rolando Purugganan kahit sangkot sa mga anomalya tulad ng land grabbing sa Antipolo City dahil ‘may proteksiyon’ ni Department of Interior and Local Government (DILG) Mar Roxas.

Ayon sa Lakap Bayan, isang pangkat ng mga dating opisyal ng Armed Forces of the Philippines at PNP na nagbabantay sa katiwalian at kabulukan sa gobyernong Aquino, unang dapat sibakin sa liderato ng PNP si Purugganan dahil may kinalaman siya sa pagkabenta ng 900 AK-47 assault rifles sa New People’s Army (NPA) at pagpapatayo ng White Mansion sa loob ng Camp Crame na nagkakahalagang P25 milyon.

“Hindi lamang si (PNP Chief Director General Alan) Purisima ang nakaaalam sa bentahan ng mga armas sa kalaban ng estado kundi maging ang PNP Comptroller at siyempre, sino ba ang nag-aproba sa pagpapagawa ng maluhong mansiyon para sa PNP Chief?” tanong ni Lakap Bayan spokesman ex-Col. Alan Jay Marcelino.

Ibinunyag ni Marcelino na mayroon na silang mga katibayan na sangkot si Purugganan sa land grabbing syndicate sa Antipolo City at iniutos na ng Supreme Court (SC) ang pagpapawalang bisa sa titulo ng kanyang malawak na lupain sa Pagrai Hills, Brgy. Mayamot, Antipolo City.

“Tao ni Purruganan si ex-police major Romulo Manzanas na lider ng land grabbing syndicate sa Pagrai Hills at Cogeo sa Antipolo. Ipinabubuwag ng Supreme Court ang mga mansiyon nila sa Pagrai pero nagbubulag-bulagan  ang hepe ng Antipolo Police na si (Arthur) Masungsong pati si Mayor (Casimiro) Jun Ynares,” giit ni Marcelino. “Sobra ang lakas ng loob ni Manzanas kasi bukod kay Purugganan, bayaw niya si dating Northern Police District chief Edgar Layon na sinibak kamakailan ni Roxas.”

Dahil dito, nananawagan ang Lakap Bayan kay Roxas na unang sibakin si Purugganan at pagpaliwanagin sa mga ill-gotten wealth tulad ng mansiyon sa Pagrai Hills gayon din ang pagkasangkot sa smuggling at illegal mining activities sa Mindanao.

“Sinabi na ni Purisima na magtatanong muna siya sa PNP Comptroller kung bakit umabot ng P25 milyon ang mansiyon na tinatawag na White House sa loob ng Camp Crame at tirahan ng PNP Chief kaya malaki ang dapat ipaliwanag ni Purugganan,” giit ni Marcelino.

Hiniling din ng Lakap Bayan sa House Committee on Public Order and Safety na ipatawag si Purugganan para magpaliwanag sa maluhong Pagrai mansion gayon din sa kanyang kaugnayan sa 900 AK-47 assault rifles na napasakamay ng mga rebeldeng komunista.

“Malaki ang magagawa ng P25 milyon para makabili ng mahahalagang gamit laban sa kriminalidad lalo sa riding-in-tandems pero bakit inuna pa ni Purugganan ang pagpapagawa ng mansiyon para sa kanyang boss?” ani Marcelino.

“Napakaraming mabibiling police cars at radyo ang P25 milyon para sa police visibility pero bakit inuna nila ang maluhong mansiyon?”

Dagdag ng  Lakap Bayan, dapat unang isailalim sa lifestyle checking si Purugganan at ipadakip si Manzanas dahil sa land grabbing activities at hinihinalang pagkakasangkot sa sunod-sunod na pagpaslang sa urban poor leaders sa buong Antipolo.

“Dapat na rin sibakin si Masungsong sa Antipolo dahil wala silang nadadakip sa mga riding-in-tandems na nililipol ang urban opoor leaders sa Antipolo,” giit ni Marcelino. “Sobra ang lakas kay Masungsong ng mga land grabber kaya tuloy-tuloy ang kanilang operasyon lalo sa Pagrai Hills at Cogeo.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *