Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, bantay-sarado kay Lucho kaya ‘di makagawa ng teleserye

112114 Agoncillo Family

00 fact sheet reggeeKASAMA pala si Mommy Carol Santos, ina ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa ABS-CBN Bazaar sa may Pinoy Big Brother house na nagsimula noong Nobyembre 17 (Lunes) hanggang Linggo (Nobyembre 23).

Mga bineyk na tinapay at pastries ang paninda ni Mommy Carol na ipinagmamalaki niyang ipatikim dahil masarap daw, in fairness, super-sarap nga lalo na ang ensaymada niya na bagay daw sa nagda-diet dahil hindi matamis.

Kinumusta namin si Juday kay Mommy Carol na sabi namin ay bongga ang mga show ng aktres dahil pawang mataas ang ratings.

“Oo nga, kagagaling lang namin ni Jepoy (Jeffrey Santos) sa taping, nanood kami, tawa kami ng tawa, nakakaloka ang mga bata, ang ku-cute,” masayang sabi ng mabait na nanay ni Budaday.

At nabanggit din ni Mommy Carol na mas gusto ng anak niya ang pagho-host dahil nga maaga siyang nakakauwi.

“‘Pag nag-serye ulit si Juday, lagot siya kay Lucho, kasi dapat maaga siya umuwi dahil hindi natutulog si Lucho ng hindi niya katabi ang ina, grabeng bata ‘yun.

“Minsan, tumawag si Lucho kay Juday habang nasa taping at pinauuwi ang ina, ‘please come home now’ kaya hindi puwedeng ginagabi si Juday,” natatawang kuwento ng proud lola.

Sabi namin na may cut-off si Juday ‘pag gumawa na ng serye kasi nga alam naman ng ABS na kailangan niyang umuwi ng maaga dahil sa mga anak.

“Minsan kasi hindi nasusunod lalo na kung delikado ang eksena. Si Lucho, talagang bantay sarado si Juday doon.

“Minsan ‘pag may topak, haharang sa pintuan at sasabihin sa ina (Juday), ‘don’t go to work. Stay here’ siyempre aamuin ng ina, lalaruin para mabago, minsan nauuto.

“Pero there was a time na talagang galit si Lucho, sobrang talim ng tingin as in, nakakatakot. Sabi ko nga, kung may hawak na panaksak ‘yun (Lucho), nasaksak na siya. Grabe, nakakatakot,” seryosong kuwento ni Mommy Carol na sinasang-ayunan din ni Jeffrey.

Pati raw sa paghahatid sa eskuwelahan ay hands on ang mag-asawang Juday at Ryan.

“Kaya ngayon, salitan sina Rye at Juday, ‘pag may taping si Juday, si Rye ang susundo, ‘pag may taping si Ryan, si Juday ang susundo. Alternate nga sila ng taping,” sabi pa ni Mommy Carol.

Tanda namin na kaya pala kuwento ni Juday na alas diyes palang ng gabi ay lights-off na dahil ito raw ang oras ng tulog ng mga bagets at gigising ang aktres ng alas singko ng umaga dahil maghahanda siya ng baon ng mag-aama niya.

Samantala, pagkatapos daw ng bazaar ni Mommy Carol sa may ABS-CBN ay sa World Trade Center naman daw ang susunod at pawang pagkain na luto niya ang ibebenta niya bukod pa sa ready to wear at bling-bling.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …