Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grae Fernandez, bagito pa sa panliligaw!

073114 Mark Anthony Crae Fernandez

00 Alam mo na NoniemarAMINADO si Grae Fernandez, binatilyong anak ni Mark Anthony Fernandez, na sa edad ni-yang trese ay hindi pa siya nakapanliligaw. Ayon sa bagets, gusto niya muna kasing mag-enjoy lang sa kanyang career at sa pagiging teenager.

Si Grae ay isa sa miyembro ng grupong Gimme 5 na kinabibilangan nina Joaquin Reyes, John Bermundo, Brace Arquiza, at ng teenstar na si Nash Aguas. Gumaganap siya sa TV series na Bagito, bilang kabarkada ng bida rito na si Nash.

“Ako po si Carlo dito sa Bagito, ang role ko po rito, ako ang pinaka-vain sa lahat sa grupo namin,” saad niya.

Totoo ba na hindi mo pa nasusubukang manligaw? ”Hindi pa po e, kasi ang gusto po ng Dad ko ay maging bata muna raw po ako. Siguro ‘pag 15 or 16 na po ako.

“Gusto niya ay to have fun and to enjoy your life while you have it. Parang iyong sa Bagito rin po,” nakangiting paliwanag pa ni Grae.

So, real life bagito ka talaga na parang iyong character ni Nash dito? “Opo, bagito pa po talaga ko,” matipid na sagot pa niya.

Pero, ayaw daw ni Grae ng matulad sa karakter ni Nash dito sa Bagito na sa edad na fourteen ay nakabuntis na. “Ay hindi po! Siyempre po ay ayaw kong mangyari iyon sa akin,” mabilis na reaction ni Grae.

“Dahil ang gusto ko po ay mag-enjoy muna with my career at sa school po. Iyon po ang priorities ko,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa binatilyo, kinikilala niya ang tatak ng kanyang ama bilang isa sa Guwapings (with Jomari Yllana and Eric Fructuoso) na naging sikat na sikat din, pero gusto niya raw gumawa ng sarili niyang pangalan, lalo’t may grupo rin siya.

Ano’ng aral ang mapupulot ng viewers dito sa TV series ninyo? ”Ang Bagito po kasi, kuwento ito ng isang pagkakamali. Dahil doon, it could ruin your whole life. So dapat, just enjoy your life and don’t think about the future that much. But think about your decisions very wisely,” aniya.

Dagdag pa ng binatilyo, “Dapat din po na mag-ingat ang mga kabataan sa peer pressure, sa pre-marital sex… Actually, kids need to be actually aware para mas malaman nila at para mas ma-understand nila. So that they’ll know how to handle that kind of situations.”

Ang Bagito ay napapanood sa ABS CBN bago mag-TV Patrol.Tampok din dito sina Alexa Ilacad,Ella Cruz, Agot Isidro, Ariel Rivera, Angel Aquino, at iba pa. Ito’y mula sa direksiyon nina Onat Diaz at Jojo Saguin.
ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …