ni Cesar Pambid
MAAGANG nalunod sa isang basong tubig. May paliwanag na kesyo ganyan at ganito ang side ni Darren Espanto tungkol sa reklamong masyadong lumaki ang ulo ng manager o handler niya dahil nga ni ayaw palapitan para makipag-picture-an si Darren sa fans niya. Na ayaw daw nilang masaktan ‘yung bata at inilalayo lang sa panganib at iba pang ek ek. Pero anumang paliwanag ang gawin nila, malinaw na ngayon pa lang, hindi pa man masyadong sikat si Darren, sila na mismo ang naglulunod sa bata sa isang basong tubig.
Bakit kailangang iiwas ang bata sa fans gayung ito lang naman talaga ang hinihintay ng sino mang baguhan. ‘Yung pagkaguluhan. Kabaligtaran naman silang kitang-kita ang dami ng nakakapansin sa galing ng bata, at saka naman nila ito inilalayo. Something is wrong here. Dapat lang talagang pagsabihan ang mga namamahala sa career ng bata na huwag naman ‘yung sobrang dami ng mga alituntuning dapat sundin sa events na pinupuntahan ng bata. Basta ‘yung sinasabi nilang ayaw talaga nilang palapitan sa mga nagkakagulong fans si Darren para hindi ito masaktan.
No pains, no gain, hindi po ba malinaw ang ganitong kasabihan sa kasong ito?
Pauwiin na lang si Darren sa Canada kung gusto niya ng buhay na tahimik na walang fans.
Sanay na kami sa mga artista. Sa rami ng mga nadala na namin sa maraming shows sa buong Pilipinas. Tumbok na name ang psyche ng sino man. Sa unang pagkikita pa lang at sinabi ng handler na hindi puwede ang ganyan, hindi puwede ang ganito, mahahalata mo ng feeling sikat ang mga artistang ganito. Marami silang gaya ng handler ni Darren na maagang nawalan ng mga paang nakatuntong sa lupa.
Sa susunod naming mga kolum, we will mention about some na kaliga ng batang ito.
Pero siyempre, marami rin namang mga artista ang walang ganitong syndrome. Mabait sa fans at higit sa lahat mapagbigay sa mga nag-iimbita sa kanila. Basta umoo sila sa isang event, asahan mo ang kooperasyon at hindi na pahihirapan pa ang mga taong nag-invite sa kanila.
Worth mentioning sa mga ganitong may magandang ugali sina Lovi Poe at Isabel Granada. Wala silang kuskos-balungos at ‘di napapagod makipag-picture-an sa fans na nakakahalubilo nila. Kung kagaya nila sana ang lahat ng mga artista, wala sana tayong maririnig na reklamo sa fans.
Gayahin mo sila, Darren, kung gusto mong magkaedad sa showbiz!