Friday , November 15 2024

7 ex-QC off’ls, 2 pa guilty sa Ozone tragedy (Kulong ng 6 hanggang 10 taon)

112114 ozone tragedyHINATULAN ng anim hanggang 10 taon pagkabilanggo ng Sandiganbayan ang mga pangunahing akusado sa Ozone Disco tragedy na ikinamatay ng 162 katao noong Marso 1996.

Makaraan ang 18 taon pag-usad ng kaso, naglabas na ng desisyon ang Sandiganbayan 5th Division laban sa mga dating opisyal ng City Engineering Office.

Kabilang sa mga guilty sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mga dating opisyal na sina Alfredo Macapugay, city engineer; Donato Rivera Jr., assistant city engineer; Edgardo Reyes, building inspector; Francisco Itliong, hepe ng Enforcement and Inspection Division; Feliciano Sagana, hepe ng Processing Division; Petronillo De Llamas, engineer; at Rolando Mamaid, building inspector.

Guilty rin ang hatol ng korte sa mga private respondent na sina Hermilo Ocampo at Ramon Ang, dalawa sa pitong board of directors at stockholders ng Westwood Entertainment Company Inc. na namamahala noon sa Ozone Dance Club.

Ayon sa korte, nagkaroon ng sabwatan ang mga building official at private respondents para makakuha ng building permit ang Ozone Disco para sa renovation nito.

Batay rin sa findings ng imbestigasyon, hindi nasunod ang building requirements para sa isang private establishment tulad ng disco, dahil mali ang sukat na lapad nito.

Iisa lamang din ang exit door ng disco, na siya ring entrance nito. Hindi rin nasunod ang safety requirements na dapat sana’y palabas ang bukas.

Bukod sa anim hanggang 10 taon pagkakulong, hindi na papayagang maka-upo sa public office ang mga dating opisyal.

Habang inabswelto ng anti-graft court ang apat pang direktor at stockholders ng Ozone Disco na sina Racquel Ocampo, Rosita Ku, Sunny Ku at Alfredo Chua, habang hindi pa rin matunton ang akusadong si Renato Diaz.

Ayon sa Sandiganbayan, maaari pang maghain ng motion for reconsideration o umapela sa Korte Suprema ang nasabing mga akusado.

Ang Ozone Tragedy ang itinuturing na pinakamalalang fire tragedy sa bansa at kabilang sa 10 worst nightclub fire sa mundo.

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *