Monday , December 23 2024

2 milyon mag-aaral makikinabang sa free meals ng pamahalaan

112114 grace poeHalos 2 milyong mag-aaral sa pampublikong paaralan ang makikinabang sa isinulong ni Senador Grace Poe na free meals program para sa mga “severely wasted” at “wasted” na mga bata sa buong bansa.

Ani Poe, measure sponsor, “This is prioritizing the most neglected yet most important resources of our nation. I am hopeful that this initiative, carried out effectively, will pave the way for the institutionalization of a national feeding program that will allow our needy children to attain full development.”

Ang pamahalaan ay nakatakdang maglaan ng P3.2 bilyon para sa feeding program sa ilalim ng 2015 General Appropriations Act. Ito ay sasakop sa 1,918,464 mag-aaral na binubuo ng 533,425 severely wasted at 1,385,039 wasted.

Sa isinagawang budget deliberation kahapon sa plenaryo sa senado para sa 2015 budget ng Department of Education (DepEd) binigyang-diin ni Poe ang kahalagahan ng pagmo-monitor sa implementasyon ng nasabing programa, “I ask the DepEd to ensure that all necessary studies are undertaken to support the implementation and monitoring of the program. Napakahalaga nito upang matiyak na bituka ng mga bata – at hindi bulsa ng sinuman – ang makikinabang sa pondong ito.”

Sa darating na pasukan, ang DepEd ay inaasahang makapagpapakain sa mga nasabing bata sa loob ng 120 days – ang panahong kailangan upang maabot ang layunin ng programa.

“Severely wasted” ay nangangahulugan ng severe deficit in tissue and fat mass kumpara sa tangkad ng isang tao, samantala ang “wasted” ay hindi pa malalang kondisyon, paliwanag ni Senate finance committee chair Francis “Chiz” Escudero. “As amended by the Senate committee on finance, the budget will cover 100 percent of our severely wasted and wasted children,” ani Escudero.

Nagpasalamat si Poe kay Escudero, Sen. Pia Cayetano bilang Senate education committee chair, Sen. Ralph Recto at kapwa senador sa pagpasa ng initiatibo.

Kauna-unahang inihain ni Poe ang Senate Bill 79 o ang Sustansya Para sa Batang Pilipino Act na naglalayong magpatibay ng komprehensibong free lunch feeding program para sa mga bata sa pampublikong paaralan, hindi lamang upang i-address ang gutom at malnutrisyon kundi para din maiangat ang kapakanan ng mga bata tungo sa pangmatagalang paglago ng bansa na nararamdaman ng ordinaryong Pilipino.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *